Maaga akong nagising kinabukasan dahil manunuod ako ng practice nila Kuya Anton at Xander.
Nakangiti ako habang kumakanta ng "From the very start please be careful with my heart." Habang papasok ako sa loob ng C.R.
Matapos Kong maligo ay nagbihis na ako. Tiningnan ko sang kabuuan ko sa salamin. Sobrang laki na ng pinagbago ko. Hindi ko lubos maisip na mababago nila ako.
Mabilis akong bumaba sa hagdan at naabutan ko pa so Kuya Nash na umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo at bahagyang napAtingin sa akin.
"Ba't ang aga mo? Magprapractice ka rin ng basket?" Pabirong sabi ni Kuya Nash sa akin na inirapan ko na Lang.
"Manunuod Lang." Sagot ko sabay upo sa tabi niya at uminom sa kape niya.
"Huwag kang magkape nakakapanget yan!" Biro niya ulit.
"Wala akong pake!! Huwag ka ding uminom ng kape at nakakapanget yan!" Natatawang sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na nga dun!! Yung pagkain ang pagtripan mo!" Pagtataboy niya sa akin.
"Bilisan mong kumain ng makasabay ka sa Kuya Anton mo!" pahabol niya
"Kaya Kong maglakad mag-isa" sabi ko at saka dumiretso na sa kusina para kumain. Naabutan ko pa nga si Kuya Anton na seryosong kumakain
"Gooood mooorrning bro!!" Bati ko sa kanya habang nakangiti.
"Ba't ang aga mo?" Tingnan mo nga naman ganda ng pambungad niya sa akin.
"Alam mo Kuya?? Bad trip ka!! Wala man Lang bang good morning MAGANDA KONG KAPATID!!" pagmamaktol ko sa kanya na agad naman siyang nabulunan.
"Ayan kasi! Sobrang seryoso mo! Nagalit Tuloy ang kanin kaya bumara sa lalamunan mo." Biro ko sa kanya sabay bigay ng tubig.
"Sino ba namang Hindi mabubulunan, ang aga-aga nagmamaktol ka diyan! Di naman bagay sa'yo!" Nakangising sabi niya.
"Whatever Kuya!!" Nasabi ko na Lang at umupo sa upuang katapat niya.
Mabilis Lang natapos kumain si Kuya Anton dahil konti na Lang yung kanin niya pagdating ko, kaya ayun! Mag-isa na Lang akong kumakain.
Pagkatapos Kong kumain at magsipilyo ay nagpaalam na ako Kay Kuya Nash na hanggang ngayon at hindi pa ubos yung kape niya. Wala daw kasi siyang pasok sa trabaho ngayon kaya buong araw siyang tatambay sa bahay at magbibilang ng butiki.
"Alis na ako Kuya" paalam ko sa kanya sabay sabit ng shoulder bag sa balikat ko.
"Ingat!" Sagot niya ng hindi man lang ako tinitingnan.
Walking distance Lang ang SLU sa amin. Mga 15 mins kung lalakarin mo, 5 mins kung may kotse ka.
Naglalakad na ako patungong gymn ng may marinig akong nagsisigawan sa loob ng locker ng mga lalaki. Hindi ko matukoy ang boses dahil sa nag-eecho loob yung mga boses nila.
"Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa to!!" Sabi nung lalaki na familiar ang boses.
"What??? Are you insane??? " gulat na tanong nang babae. "Sabihin mo naduduwag ka!!" Dugtong pa niya.
"Duwag na kung duwag! Wala akong paki-alam!! Dahil ayaw ko na!!" Sigaw na naman ng lalaki.
"I can't believe you! I hate you!!" Nagulat na Lang ako ng may mabasag sa loob. Juuuuussskkkooo poooo!! Ano bang ginagawa ng dalawang yun? Kesa madamay pa ako sa away ng iba ay tinuloy ko na lang ang paglalakad papuntang gymn.
Agad naman akong napayuko ng ang lahat ng players sa basketball ay nakatingin sa akin.
Agad ko namang iginala ang mga mata ko para hanapin si Xander pero wala siya.
"Doon ka na lang umupo." sabi ni Kuya Anton sa harap ko,habang nakaturo dun sa upuang malapit sa ring. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit ni Kuya.
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol kay Xander pero hindi ko magawa. Alam ko naman kasing badtrip siya dun.
Agad akong pumunta sa upuang tinuro ni Kuya Anton at umupo dun.
"ASSEMBLE!!!" malakas na sigaw ng Coach nila at agad naman silang nagsilapitan. Hindi ko marinig ang sinasabi ng Coach nila dahil busy ako sa kakatingin sa entrance, nagbabasakaling lumitaw man lang si Xander, at hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos nilang mag-assemble ay nakita ko si Xander na pawis na pawis at habol pa ang kanyang hininga, na akala mo ay tumakbo ng ilang kilometro.
"CRUZ!!! YOU'RE LATTEEE!!" sigaw ng Coach nila ng makita siya.sa Entrance.
Agad naman siyang lumapit sa Coach nila at nagpaliwanag " Sorry Coach, nagkaproblema lang."
"5 LAPS!!" maawtoridad na utos ng Coach nila at agad naman itong sinunod ni Xander. Di man lang niya ako napansin...............
Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga dahil pag hindi ko gagawin yun sigurado akong any minute ay tutulo na ang luha ko,
"Di niya kaya ako napansin? o Di niya lang ako PINANSIN?" tanong nang isip ko. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko yung una.
Pagkatapos niyang tumakbo ay nagpahinga lang siya sandali at agad namang sumali sa laro ng kateam mates niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. OKAY NAMAN TAYO KAHAPON DI BA?? Bakit ngayon iba na naman ang pakikitungo mo? Ano to, panandaliang KALIGAYAHAN?? LECHE!!
Agad akong napatayo at dahan-dahang naglakad palabas ng gymn at sa paglabas ko dun na rin bumagsak ang mga luha ko.
!
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??
