''You are all dismiss!'' ang sabi ng Professor namin sa Math, its our last subject.
Inaayos ko na ang gamit ko para makapunta na ako sa langit. Hindi, joke lang.. sa auditorium ang punta ko maglilinis ako..
Agad Kong kinuha ang walis na nasa storage room bago pumasok sa Audi.
''HOLY COW!! ba't ang raming basurang nakakalat dito? may mga putik pa nga na halatang sinadyang nilagay! alam ko kung sino ang gumawa nito. THAT BITCH!! gusto niya ng gulo? ibibigay ko sa kanya!''
Nagsimula na akong pulutin yung mga basurang nakakalat ng may nabasa akong sa may pader ng auditorium ''PAYBACK TIME!!!''
Napakunot ang noo ko "payback time?" sa pagkakaalam ko ay wala akong utang sa bruhang yun..
''Like my surprise?'' napatingin ako sa may pintuan.
''yeaaah!! and i should thank you for that!!'' sarastic kong pagkakasabi.
''My pleasure..'' Sabay ngiti. plastic naman !!
"ano bang ginawa ko sa'yo at abot hanggang langit ang galit mo sa akin?"
"gusto mong malaman?" aba't boba ba tong babaeng to? Magtatanong ba ako kung hindi?
"its just, i don't like the way you dress! So gross!"
paki-ulit nga ng sinabi niya? Hindi niya gusto ang fashion ng pananamit ko kaya siya galit sa akin? How immature!! (bakit may fashion ba akong manamit?)
"why don't you mind your own business? At saka kahit ano pa ang suotin ko wala ka na dun!!" sabi ko sa kanya.
A"oh well,. You're right!! I gotta go weirdo!" then umalis na siya. ... Ang sarap niya talagang sakalin! Pati ba naman pananamit ko? At sa lahat ng taong pwedeng magsabi sa akin siya pa! Di nga ako pinapakialaman nila papa.
TInanggal ko muna ang salamin ko baka mabasag. Pinagpatuloy ko ang pamumulot ng mga sa basurang nakakalat, may t-back pa nga akong napulot,. Ewwww...
Pagkatapos ng pamumulot ko ay sinimulan ko na ang pagmomopped.
JANITRESS! Yan ang nasa isip ko ngayon, para akomg janitress!!a
Nasa kalagitnaan ako ng pagmomopped ng may nagsalita sa may likuran ko.
"bagay pala sa'yo pag walang salamin" pagtingin koa, isang asungot! Bakit ang daming asungot sa paligid ko ngayon?
"hindi ko kailangan ang papuri mo!" sagot ko.a
"Pasalamat ka nga dahil sa dinami-daming babaeng nagkakandarapang purihin ko, ikaw ang napili ko." at ngumiti siya, ShEMAY!! Ba't ang gwapo niya kapag ngumingiti?
"Well, aPasensya ka! Pero HINDI AKO KAGAYA NG MGA BABAE MO!! NA HANDANG IBUWIS ANG BUHAY PARA LANG SA'YO!!" talagang diniinan ko ang mga huling salita "at saka pwede ba, umalis ka na dahil busy akO!!" dagdag ko.
"paano kung ayaw ko? " sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko at Kailan pa siya nakalapit?
"pag hindi ka umalis, kakaladkarin kita palabas dito!" sabay taas ng isang kilay ko. "and if you don't mind Chuckle Finster ilayo mo nga yang mukha mo sa mukha ko,at nandidiri ako." at tinulak ko siy palayo sa akin mahina lang yung pagkakatulak ko. Nakakadistract po ang freckles nya.
Ngumiti lang ang loko at biglang kumuha ng bola?? WTF!! Anong gagawin niya?
RATED SPG, ang mga sumunod na pangyayari ay may themang hindi angkop sa mga batang bumabasa.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??