Thirty-two: Wrong send

72 4 0
                                        

Halos wala akong makita sa dinadaanan ko dahil sa pag-agos ng mga luha ko. Naglalakad ako ng walang patutunguhan, para akong isang bata na naliligaw at hindi alam ang pauwi sa bahay. Hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan nila ako dadalhin. 

Tanging ang gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa. Gusto kong manakit pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas pero wala akong lakas para gawin yun. Masyado akong pagod physically, mentally and emotionally.

Napaupo na lang ako sa gitna ng kalsada at doon umiyak ng sobra buti na lang at di nadadaanan ng sasakyan ang kalsada na ito tanging motorsiklo lang ang nakakadaan. Pinagtitinginan na din ako ng mga taong napapadaan at naririnig ko ang kanilang mga bulong-bulungan. Akala nila nababaliw na ako. Bagha akong napatawa sa isip ko. MArahil nga ay nababaliw na ako.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan nakalimutan ko na may bagyo pala, pag minamalas ka nga naman. Basang-basa na ako pero wala akong plano na magpasilong. Hindi ko alintana ang lamig. Manhid na nga siguro ako.

Hindi ko pinapansin ang cellphone ko na kanina pa tumutunog sa loob ng bag ko wala akong balak na sagutin iyon. 

Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga "Hinahanap na siguro ako nila Papa. Ayoko ko ding umuwi na ganito ang itsura ko. Tatanungin lang nila ako"

Itinaas ko ang isang kamay na tila ba pinapakiramdam ko ang ulan na pumapatak. Napapikit ako at unti-unting bumabalik ang nangyari kanina. I sighed again "Ganyan naman talaga di ba? You fall in love, you get hurt. That's life." saka ko pinunasan ang mga butil ng luha ko.

-----------------------------------------------------------------

Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell, sa huli ay pinidot ka na din. Agad din namang bumukas yung pinto at bumungad sa akin ang best friend kong si Gel na gulat na gulat dahil sa itsura ko.

"Nababaliw ka na ba at naisipan mong magpaulan?" yan agad ang naitanong niya ng makapasok na ako sa bahay niya at matapos maligo.

"G-gel" naiiyak na tawag ko sa kanya. Niyakap niya ako na tila pa nakikiramay siya sa nararamdaman ko ngayon.

"husssshhh" sabay hagod ng likod ko.

"Ang sakit sakit Gel, sobrang sakit dito" saka ko tinuro ang dibdib ko at humagulgol sa pag-iyak.

"I know. Love is unfair Lex. Kung hindi ikaw ang maglalaro, ikaw ang mapaglalaruan. You need to be strong" mahinahong pagkakasabi niya

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya at bakit ako pa?" patuloy pa din ako sa pag-iyak. hindi na maubos-ubos tong luha ko.

"You don't deserve to be treated like this Lex. Nobody!" mababakas sa boses niya na galit siya.

"I wish I could get a refund for all the love I've wasted on him. Pero alam kong impossible yun, dahil ang pag-ibig ay di katulad ng pera na pwede mong irefund pag hindi mo nagustuhan ang product na nabili mo."

Pinunasan ni Gel ang mukha ko gamit ang kamay niya "Tahan na okay? ang dungis-dungis mo na o! Nawawala na ang ganda mo." biro niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. 

Tinawagan ko si Papa at sinabing dito na muna ako matutulog kila Gel at may gagawin kaming project. I lied. Ayaw kong malaman nila ang nangyari pero alam kung hindi malabong mangyari na malaman nila dahil sa mga oras na ito alam kong alam na din ni Kuya Anton and ang mas worst pa ay nang buong campus.

Nagpalabas ako ng malalim na buntong hininga at napatingin sa kisame. Naisipan kong tingnan ang cellphone ko, may mensahe ito mula kay Vince he's worried. bigla ko na namang naalala ang nangyari kanina. Galit na galit si Vince kanina. I should thank him. Dahil sa kanya ay nalaman ko ang totoo.

Agad akong nagtipa at sinend ito agad. hindi ko namalayan na kay Xander ko pala naisend yung mensahe. Halos mapamura ako at sirain ang cellphone ko. "Sheeeet!"

Biglang nagvibrate ang cellphone ko at may mensahe galing sa kanya. "I feel like the worst person in the whole word. I'm truly sorry for being such a jerk. Forgive me, Babe" napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Hindi ko na siya nireplyan at nagpasyang matulog na lang.

Maaga akong nagising kinabukasan buti na lang at sabado ngayon wala kaming pasok. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, namamaga ang aking mata. Tiningnan ko din si Gel sa tabi ko na natutulog habang nakanganga.

Pinisil ko yung ilong niya kaya bahagya siyang nasamid ng laway niya na ikinatawa ko ng sobra. Kunot noo niya naman akong tiningnan 

"Stop it Lex! You're disturbing my sleep." iritado niyang sabi.

"I'm hungry Gel. Pwede ba akong magluto sa bahay mo? tanong ko sa kanya.

"Do whatever you want Lex, huwag mo lang susunogin bahay ko"sabi niya at natulog ulit. Siya lang kasi mag-isa sa bahay nila her family is in Canada matagal ng nagmigrate. Pinapapunta na nga siya doon pero ayaw niya.

Agad din naman akong bumaba at nagpunta agad sa kusina nila. Malaki ang bahay nila Gel, hindi ba siya nabobored dito?

Pagkatapos kong magluto ay kumain ako ng mag-isa. Hindi ko na ginising si Gel baka kasi masabunutan pa ako. Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan ko ng umuwi. Nag-iwan na lang ako ng isang note sa lamesa.

Naglakad lang ako pauwi hindi naman kasi kalayuan yung bahay nila Gel mga 30 minutes lang na paglalakad.

Malapit na ako sa may gate namin ng maaninag ko ang isang kotse na nakaparada malapit sa may kotse, kilala ko ang kotseng yan. Nakasandal doon ang isang lalake na napapakit na, bakas sa muhka niya na wala siyang tulog. Anong ginagawa niya dito ng ganito ka aga?

Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya agad ang kamay ko kaya ako napatigil sa paglalakad. Napatingin ako sa mukha niya, nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, putok ang magkabilang labi niya. 

Kinuha ko ang kamay kong hawak-hawak niya. Nandidiri ako sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya

"Busy ako" tipid kong sagot

"Kahit saglit lang" hindi ako umimik at ang tanging pag-iwas na lang ng tingin ang ginawa ko.

Ilang minutong katahimikan at hindi pa din siya nagsasalita kaya napagpasyahan ko ng umalis. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. "I-I'm really sorry Lex." bakas sa boses niya na naiiyak siya.

Napasmirk ako "Ang salitang sorry ay para lang sa mga taong hindi sinasadya ang kasalanan nagawa, hindi para sa mga taong kagaya mo na plinano ang lahat para lang makasakit ng tao" sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at tuluyang umalis sa harap niya.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon