A/N
Sinipag ako mag update kaya heto ang update ko para sa inyo! Sana magustuhan niyo!Picture of Gab on the side --->
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 8: Review Gone WrongGab's POV
"Gab pahingi naman ako ng popcorn." Nag papacute pa si Cody habang nanghihingi. Psh! Kala naman niya ang cute niya. Sarap hampasin ng bowl eh.
"Gab pwede bang Action naman sunod?" Request ni Cole.
"Wag na Gab Horror nalang." Singit naman ni Darwin.
Nag katinginan yung dalawa tapos unti unting naningkit yung mga mata nila. Yung para bang may kuryente na dumadaloy sa mata nila.
"Horror." Diin na sabi ni Darwin. Syempre isa pang tanga at isip baa si Cody hindi naman din yan papatalo.
"Action." Sagot naman pabalik ni Cody. Great! Mag iingay nanaman ang dalawang engot. At dahil nag simula na ang world war of engots kumuha na ko ng popcorn at pinanood nalang sila.
"Horror."
"Action."
"Horror!"
"Action!"
"HORROR NGA EH!" Sigaw ni Darwin.
Sht! My eardrums!
"ACTION NGA KASI!" Sigaw din ni Cody.
"PORN NALANG!"
Napatagil yung dalawang engot na nag tatalo at maging kami napatingin sa sumigaw. Sino pabang pinakamanyak sa kanila at sisigaw ng ganon? Si Austine lang naman.
"Pwede din." Kibit balikat na sabi ni Cole.
"Oo nga no." Tumango tango pa si Cody.
"Sige na nga." Pag sang ayon ni Darwin.
Sinamaan ko naman ng tingin si Michael na may balak pang sumagot kaya hindi niya na tinuloy yung sasabihin niya. The fvck tong mga manyak na to. Nag kakasundo basta porn! Tumaas yung kilay ko at isa isa silang tinignan ng masama.
"Ikaw naman Gab di ka mabiro!" Tumawa tawa pa si Austine habang hinahampas hampas si Darwin.
"Aray! Bat ba ako pa hinahampas mo?" Inis na sigaw sa kanya ni Darwin. Hahaha! Kawawang nilalang. Ang bigat pa naman ng kamay ni Austine.
"Eh sino gusto mong hampasin ko?"
"Si Mike." Tinignan naman sila ni Michael.
"Sapak gusto mo?" Napalunok naman si Austine sa sinabi ni Michael kaya tumawa nalang siya ng alanganin.
"Hehe ikaw naman Mike masyado ka naman hot. Chill dude." Inirapan naman sila ni Michael.
"Alam kong hot ako. No need to remind me."
"Wooooh grabe ang lakas ng hangin! Hoy Cole patayin mo nga yung aircon masyado ng mahangin!" Natawa ako kasi parang tanga si Cody. May patayo tayo pa. Syempre si gatong yung kapatid niya kaya inabutan siya ni Cole ng remote. Hahahaha!
"Pag ako hindi nakapanuod ng maayo pababalikin ko kayo sa pag rereview." Sabi ko sa kanila pagka tapos ko tumawa.
In a snap para silang bata na nag si sunuran. Hahaha! Ayuuun balik na sila sa dati nilang pwesto nung una palang kaming nanonood. Nandito kami ngayon sa living room at nag momovie marathon. Kahit malawak naman yung pwesto e para kaming sardinas na nag sisiksikan. Pano ba ang pwesto namin, sa couch ako sa gitna tapos katabi ko sa kaliwa ko si Mike tapos sa kanan si Darwin na nakasandal sa balikat ko. Yung tatlong itlog naman nasa lapag habang nakapatong yung paa nila sa bean bag. Si Cole sa kaliwa tapos si Cody sa kanan tapos si Austine nasa gitna tapos nakasandal yung ulo niya sa hita ko kaya parang ginawa nadin akong unan. Oh diba? Sardinas lang ang peg naming anim!

BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...