Chapter 16: Shopping

5.7K 106 8
                                    

A/N

Dedicate ko tong chapter na to kay @suzyluzy thanks sa pag comment 😊

Popost ko pala sa next chapter yung trailer. 😄 kanina ko lang siya natapos.

Enjoy!

piecesofbeauty 😘


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 16: Shopping

Gab's POV

"Gab dalian mo naman! Anong oras na oh! Baka mainitan si baby niyan!" Nag mamadali at hindi mapakaling sabi ni Darwin kaya inirapan ko lang siya.

"Pwede bang mag hunos dili ka? Ang likot mo tsaka baka nga di pa bukas yung mall nag mamadali kanang pumunta dun." Iritang sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at ang likot likot niya padin. Punta dito, punta don. Sakit sa ulo nakakahilo.

"Tingin mo ba okay lang na ilabas natin si baby kahit mag 3 months palang siya?" Tanong ni Austine na nasa tabi ko.

Nandito kasi kami sa living room at buhat buhat ko si baby habang natutulog. Hindi na kami pumasok dahil school fest naman at hindi kami required este ako lang pala. Dahil yung apat paniguradong tinatamad lang talaga.

"Utang na loob naman Darwin manahimik ka muna at tumigil ka na sa kakalakad mo dahil pati kami napapagod sayo." Reklamo ni Cody at pasalampak na umupo sa upuan.

"Eh sino ba kasing may sabi sainyo na sundan ako?" Tanong ni Da kaya napataas ang kilay ko.

"Ikaw. Obvious ba?" Sarcastic na sagot ni Cole kaya natawa nalang ako sa kanila.

Napatingin naman ako kay Mike na pababa ng hagdanan at bitbit yung lalagyanan ng gatas at diapers ni baby.

"Ang tagal mo naman." Reklamo ni Darwin pag kalapit samin ni Mike.

"Edi sana ikaw kumuha para mabilis ng hindi ka nag rereklamo." Sagot naman sa kanya ni Mike. Akmang sasagot nanaman si Darwin ng sumingit na ko.

"Kung mag aaway kayo wag dito. Natutulog si baby." Paalala ko sa kanila dahil panigurado sa lakas ng bunganga ni Darwin magiging ang bata. Mabuti naman at sinapian ng masunurin to kaya nanahimik.

Lumabas na kami ng bahay at hinayaan ko na yung kambal ang mag lock ng bahay. Napangiti naman ako sa inaasal ni Darwin dahil kung maka alalay siya sakin wagas. Take note! Nag babasa na yan kung pano mag alaga ng baby. Oh diba?! Improving si batang ama!

Buti nalang kasya kami sa sasakyan ngayon at hindi masikip. Mahirap kasi pag masikip tapos may hawak na baby. So ganito yung seating arrangement namin para maayos.

Ang nag dridrive si Michael tapos si Austine sa passenger seat tapos kami naman sa likod nila, bale mag katabi kami ni Darwin tapos sa pinaka likod yung kambal walang ibang inatupag kundi mag bangayan at mag laro sa phone nila.

Napatigil ako sa hele kay baby ng may maalala ako.

"Ay teka! May nakalimutan tayo!" Lahat sila nagulat kaya muntik na kami sumubsob ng nag preno si Mike.

"Tangna naman Mike! Dahan dahan at yung anak ko baka mapano." Inis na sabi ni Darwin kay Michael.

"Sorry." Minsan lang mag sorry si Michael and I know sincere yun. Napabuntong hininga ako dahil naguguilty ako.

"Sorry napasigaw ako. Nagulat tuloy kayong lahat." Nakayuko kong sabi sa kanila. Nagulat nalang ako ng may nag pat ng ulo ko kaya tinaas ko yung ulo ko. At nakita ko si Darwin na nakahawak padin sa ulo ko.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon