Special Chapter: Part 3
Austine's POV
"Hoy okay ka lang?"
Nagulat ako ng tapikin ako ni Gab kaya napatingin ako sa kanya. She looks worried kaya agad akong ngumiti.
"Yeah I'm fine. Bat naman ako hindi magiging okay?" Sabi ko sa kanya.
"Nakatulala ka kasi. Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig." Sabi niya hindi parin nawawala yung worried expression niya.
"Okay lang ako promise." I smiled to reassure her. She looks hesistant kaya inakbayan ko siya.
"Wag ka na ngang maparanoid. Okay lang talaga ako. Tsaka sa gwapo kong to?! Pano pa ko di magiging okay?!" Ngumisi ako pero syempre si Gab siya kaya nakatikim ako ng batok.
"Aray naman Gab!" Daing ko habang hinihimas himas yung ulo kong tinamaan ng kamay na bakal niya.
"Yan ang napapala ng kayabangan mo." Sabi niya tapos tumawa. Tatawa nadin sana ako kaya lang may biglang bumatok ulit sakin.
"Aray ano ba?!"
Nakakainis na ah! Nakakailan na. Nadudumihan yung gwapo kong buhok.
"Kamay." Tinapik tapik pa ni Darwin yung kamay kong nakaakbay kay Gab.
"Tsk! Seloso."
"May sinasabi ka?" Aamba sana ulit siya ng hampas hinawakan na ni Gab yung kamay niya.
"Tigil niyo na yan. Pag untugin ko kayo eh." Sabi ni Gab at inirapan kaming dalawa.
Ngumisi naman ako sa kanya. Walang siyang magawa pag si Gab na ang nag sabi. Sinamaan lang ako ng tingin ng gago then he flipped his middle finger kaya natawa kaming lahat.
Nandito kaming lahat sa garden pagkatapos ng reunion namin ng mga magulang namin, ayun nauwi kami sa inuman pagka alis ng mga magulang namin. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng halos dekada ngayon ko nalang ulit nakasama ang tatay ko. Sounds gay but I've missed my dad. And I have to thank Gab for that. A lot.
"C.R lang ako." Paalam ni Cody sabay tayo.
"Wag ka mag pasabog ah!" Pahabol pa ni Darwin kaya siya naman pinakyuhan ni Cody.
"Gago."
Pag pasok ni Cody ilang minuto lang tumayo nadin si Cole. Alam naman naming susundan niya yung kakambal niya kaya hindi na siya nag abala pang mag sabi.
"Mag kakaayos na kaya sila?" Wala sa sariling tanong ni Gab habang nakatingin sa loob ng bahay kung san pumasok yung kambal.
"Let them fix their own issues. You know them. They're inseperable." Sabi ni Michael na for the first ata simula ng mag inom kami ay nag salita na. Which an hour ago na.
Tsk! Bilib talaga ako sa laway nito. Hindi nasasayang. Sobra pa. Tsk tsk.
"Alam ko. Kaya lang minsan tanga si Cody tsaka bulag nadin. Sama mo nadin pati bingi. Ayaw makinig. Minsan nang aaway pa. Buti nalang mahal siya ng kambal niya." Sabi ni Gab habang umiiling iling.
"Mahal mo din naman siya eh." Sabi naman ni Darwin kaya napangiti si Gab.
"Lahat naman kayo eh." Nakangiting sabi ni Gab kaya napangiti din kaming tatlo.
Pero syempre may bubuyog nanaman.
"Tsss. Lahat pa pwede namang ako lang." Bulong ng bubuyog pero syempre matalas ang pandinig ko kaya dinig ko yung bulong bulong niya.
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...