Chapter 3: Such A Headache

9.1K 162 10
                                    

A/N: At dahil natuwa ako sa mga comments niya mag uupdate na ko. :))) Thank you sa mga feedbacks mo @TheGalWhoCan'tBeMoved :D dedicate ko tong chap na to for you. :>> 

Enjoy!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Gab's POV

2 weeks.

2 weeks na kong nakatutunganga sa cafeteria kakahanap ng pwedeng maging girlfriend ng mga kumag. Takteng yan! Nananakit na yung pwet ko kakaupo tapos wala padin akong mahanap.

"Aish! Bakit ba kasi ako yung nag hahanap ng para sa mga yun?! Lovelife ko nga di umaasenso tapos proproblemahin ko pa yung sa kanila."

Para tuloy akong baliw na kinakausap yung sarili ko.

"Para kang bubuyog jan. Bulong ka ng bulong." Syempre sino ba namang dakilang pakielamero sa mga kaibigan ko?

"Pake mo ba?! Tsaka bat kaba nandito? May klase ka, wag mo sabihing nag cutting ka nanaman?!"

"Hoy Gabriella hindi ho ako nag cutting. Wala kaming prof kaya lumabas na ko. Nakakatamad kaya sa room puro kweba lang nakikita ko." Bored niyang sagot kaya napataas yung kilay ko.

"At kelan pa nag ka kweba sa classroom ha?! Bangag kaba?!" Tumingin naman siya sakin sabay ngisi.

"Ang dami kasing legs na nakabuka kaya kala ko kweba."

Parang gusto kong iuntog yung ulo ko sa lamesa.

"Oh Gab! Bat ganyan itsura mo? Dinaig pa ng mukha mo yung damit ko sa lukot eh!" Tanong ng manyak na si Austine na kadadating lang.

"Oo nga no?! Astig Gab! Pano mo nalukot yung mukha mo? Paturo!" Syempre pag dumating ang manyak darating ang kambal na itlog.

"Baka natatae si Gab kaya ganyan. Gab gusto mo tissue?" Tanong ni Cody. .

*BLAG!*

Hindi na ata kinaya ng ulo ko kaya kusa na niyang inuntog yung sarili niya.

"Gabby....." Napaanggat ako ng ulo ng marinig ko yung boses ni Michael. Ang nag iisang matino sa kanila.

"......yung table..... Kawawa."

*BLAG*

Mali pala. Walang matino sa kanila.

"Tigilan mo na nga yan baka mabaliw kapa kakauntog mo sa sarili mo." Sabi ni Darwin habang tinatry iangat yung ulo ko.

Inangat ko naman yung ulo ko at kumuha ng piso sa bulsa ko sabay abot sa kanya.

"Anong gagawin ko sa piso? Bili ako kausap ko? Ganon?!" Takang tanong niya.

"Hindi. Bili ka chewing gum. Baho kasi ng hininga mo." Sabi ko sabay balik ng ulo ko sa lamesa. Rinig ko naman tawanan ng mga kumag. Pustahan ang pula na ng mukha ni Darwin.

Teka bago ko makalimutan...... Kinuha ko yung earphones ko sabay salpak sa mag kabilang tenga ko bago full volume na sounds.

5

4

3

2

"OH SH*T!" Narealize na ata nila yung mang yayari kaya lang huli na.....

"WHATTHEFVCKGAB!KAHITKELANHINDIBUMAHOYUNGHININGAKO!AMUYINMOPAPATIGILAGIDKO!"

Siguro kung hindi ako nakaearphones basag ang eardrums ko ngayon. Walang hiyang lalaking to! Kalalaking tao dinaig pa ang nakalunok ng megamic sa lakas ng boses.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon