Chapter 1: Introduction

15.2K 251 14
                                    

Gabrielle's POV


*Prrrt*


*Prrrrrrrrrrt*


*Prrrrrrrrrrrrrrrrrt*


*Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt*

"ANO?!" Sigaw ko pag kasagot ng phone. Kung tinatanong niyo kung ringtone yun isang malaking OO at isa lang ang kilala kong may ganong ringtone sa phone ko. Sino ba naman kasing matinong utak na ang gawing ringtone ang utot diba?!


"Chill lang Gab masyado kang mainit eh!"


"Alam kong Hot ako wag mo na ipaalala. Ano bang kailangan mo at ang lakas ng loob mong gisingin ako?" Iritang tanong ko. Ala una palang ng umaga ang lakas mang gising ng hinayupak na to!


"Yung totoo? May bagyo ba?! Ang hangin eh!"


"Psh! Hindi mo lang matanggap. Ano na?! Kung wala kang kailangan bigyan mo ko ng kapayapaan ng makatulog na ko!"


"Ano nga ulit yung sasabihin ko? Uhhh ano nga--- AH AYUN NAALALA KO NA! Punta ka dito sa X si Darwin nakikipag away nanaman!" Parang bigla pa siyang nataranta ng maalala niya kung bakit siya tumawag. Napataas naman ang kilay ko.


"So? Awatin niyo nalang o kaya tulungan niyo. Malalaki na kayo kaya niyo na sarili niyo. At pwede ba hindi ako pulis! Makapag sumbong to!" Bwiset to!


"Eeeeeh! Gab naman eh! Alam mo namang ikaw lang nakakaawat dun eh! Tsaka sila Austine takot yun! Ayaw din mangielam ni Michael! Dali na! Lilibre kita Ice cream promise!" Parang batang pilit niya. Napairap nalang ako.


"Bwiset ka talaga Cody!" Inis ko siyang binabaan. Bwiset na lalaki yun!


Dahil sa inis ko dirediretso lang ako palabas ng condo at nag para ng taxi. Aish! Kundi lang dahil sa Ice cream pababayaan ko yung mga yun eh! Huminto kami sa tapat ng X. Isa itong sikat na bar at highclass kaya kailangan may connection ka muna bago makapasok. Dirediretso lang ako sa pag pasok. Hindi naman ako hinarangan ng bouncer na kinagalit ng mga hindi makapasok. Aba! Subukan lang nila akong hindi papasukin baka gusto niyang mawalan ng trabaho!

Nag sisitabihan naman yung mga tao ng dumaan ako. Lakas ko no?! Hahaha! Syempre may ari eh!

Nakita ko naman agad ang nag kukumpulan na mga lalaki malapit sa bar counter. Sinusubukan ng iba umawat pero syempre feeling hulk si Darwin kaya ayun! Natakot umawat. Dahil sa inis ko agad ko siyang binatukan pag kalapit ko sa kanila.


"ARAY! ANO B--- AY SH*T!" Halata namang gulat niya ng makita niya ko.

"Ay sh*t talaga!" Pag ulit ko habang nakatingin ng masama sakanya. Nanlaki naman ang mata niya. Dapat lang dahil ginising pa nila ako para lang awatin tong bwiset na to!

"Hindi naman halatang excited kang makita kami at hindi ka manlang nag abalang mag bihis." Natatawang sabi ni Michael. Buhay pa pala tong hayop na to! Tapos may gana pa tumawa.


"Oo nga naman Gab! Ternong terno pa talaga ah!" Natatawang gatong ni Austine.


Pano ba namang hindi nila mapag kakatuwaan yung suot ko e naka onesies ako na bunny tapos bunny slippers. Mukha tuloy akong mascot.


"Ano Darwin natatakot ka sa ba-- URGH!" Bwiset na lalaki to! Sasabat pa nakatikim tuloy ng inis ko! Ayun nasikmuraan lang naman.


"Ayan kasi sasabat pa eh!" Rinig kong kantyaw ni Cole.


"Hahahaha! Lakas loob eh!" Gatong naman ni Cody. Tiningnan ko naman sila ng masama kaya agad silang tumahimik.


"Aalis na o makakatikim kayo?!" Inis kong sabi.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon