Chapter 28: Summer Bliss

4.8K 65 5
                                    

A/N:

Pasensya na sa matagal na pag aantay pero mas bibilisan na yung pag uupdate since hindi na busy.

Enjoy!

piecesofbeauty 😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 28: Summer Bliss

Darwin's POV

"Wooooooooh! This is life!" Sigaw ni Gab habang bahagyang nakatayo sa passenger seat. Hindi ko mapigilan mapangiti habang pinag mamasdan siya. She's beautiful. Very beautiful.

Nakasakay kami ngayon sa kotse at nag roroad trip. Nakatayo si Gab sa passenger seat habang ineenjoy yung hangin dahil walang cover up yung kotse. Meaning open siya. Tapos ako naman nag dridrive at paminsan minsan sumusulyap ako sa kanya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina kaya nauwi kami sa road trip ngayon.

Flashback

Nandito kami ngayon sa labas ng beach house. Gusto nila Austine mag kanya kanya muna kami. Sakin naman okay lang yun basta kasama ko si Gab.

"Oh dali 3 on 3." Sabi ni Austine. Kaya agad ako lumapit kay Gab at humawak sa braso niya.

"Kay Gab ako!" Sabay naming sabi ni Mike. Napatingin ako sa kanya at nakita ko din siyang nakatingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at ganon din siya sakin. Tsk! Kala naman niya papatalo ako.

"Fine. Kaming tatlo ng kambal para happy." Sabi ulit ni Austine habang nakangisi. Alam ko namang mag gigirl hunting lang yung mga yun kaya tuwang tuwa.

Nauna na kaming umalis sa kanila.
Nag lalakad lang kami ngayon habang nag iisip kung san pupunta. Mostly naman kasi si Gab ang nasusunod kaya hindi na ko nag eeffort mag isip.

"Gusto ko non!" Sabi ni Gab habang nakaturo dun sa dirty ice cream. At syempre dahil siya ang boss ay sumunod kami sa kanya.

"Kuya tatlo po." Sabi ni Gab dun sa mamang sorbetero.

Kumuha si kuya ng isang cone linagyan nung mga pinag tuturo ni Gab na flavor.

"Ay isa nalang pala natitira. Kukuhanin niyo pa ba?" Tanong nung mamang sorbetero tapos tumango naman si Gab. Tsk! Akin yun panigurado.

"Heto oh." Inabot samin nung mama yung ice cream kaya agad ko itong inabot pero may isang kamay pang umabot dito kaya dalawa kaming may hawak ngayon. Tinignan ko siya ng masama. Yung tingin na tangna-bitawan-mo-akin-to! Na tingin. Tapos yung tingin niya naman same-to-you. Aba! Gago to ah?!

"Ano pang inaantay niyong dalawa? Kainin niyo na bago matunaw yan!" Sabi ni Gab.

The fvck?! Gusto niyang mag hati kami?! Tumingin ako kay Gab para tingnan kung nag bibiro siya at sa kasamaang palad seryoso siya.

Takte naman! Haaaaay! Wala kaming nagawa kundi mag hati. Kahit nakakadiri dinilaan ko yung side ko ng ice cream. Napangiwi naman si Mike sa ginawa ko. Aba! May gana pa siyang mandiri eh ang swerte niya na nga na nalawayan ko yun.

At dahil pinanonood kami ni Gab wala siyang nagawa kundi kainin yung side niya. Para naman natuwa si Gab sa ginawa namin kasi bigla siyang ngumiti ng malapad bago tumalikod at nag lakad na ulit. Sabay naman naming binitawan yung ice cream ni Mike.

"Walang makakaalam na ginawa natin yun ah." Seryosong sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

Alam niya naman ibig sabihin nun eh. Pag may nakaalam na nag hati kami ng ice cream paniguradong kakantyawan kami. Lalo na yung tatlong itlog.

"San ta--" Naputol yung sasabihin ni Gab nung biglang nag ring yung phone ni Mike. Sumenyas siya ng wait at sinagot yung phone niya.

"Oh?" Sagot niya sa tumawag sa kanya habang si Gab nakatingin lang sa kanya.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon