Chapter 40: The Fight

3K 49 7
                                    

Author's Note

Happy 10 thousand reads! Yey! 🎉🎊

At dahil 10k na siya nag update na ko. Hahaha sorry na ngayon lang nag update ang tamad ko kasi tsaka nainspire ako.

Thank you @Gerlalosh sa pag basa at comment mo sa story na to. Naappreciate ko talaga kasi damang dama ko ang mga comments mo. :)

At dahil dun....

I dedicate this Chapter to @Gerlalosh!

Sana magustuhan mo. At sa ibang patuloy na nag babasa at sumusuporta? Salamat ng marami!

Enjoy! 😘

piecesofbeauty 😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 40: The Fight

3rd Person's POV

Pagka alis ni Gab ang tanging naiwan lang sa mesa ay ang kambal na may sarili sariling ginagawa. Si Cody nag cecellphone habang si Cole naman ay kumakain. Parehas tahimik at halatang nag iiwasan. Nabasag lang ang tahimik nilang mundo ng biglang tumunog yung cellphone ni Cody.

"Hello? Rica?" Sagot ni Cody at napatigil naman sa pagkain si Cole.

"Now? Sure! I'll be there in 15." Nakangiting binaba ni Cody yung phone niya.

Tumayo na si Cody at diretsong tingin na umalis na may ngiti sa labi samantalang napakunot naman ang noo ni Cole habang nakatingin sa nag lalakad palayong kakambal.

'He's going after her again?'

Cole thought as he watches his brother. Napailing nalang siya at napa buntong hininga bago tumayo para sundan ang kapatid.

Kasasakay lang ni Cody ng sasakyan ng saktong pag labas ni Cole. Agad niyang pinakuha sa valet yung sasakyan niya para masundan ang kakambal niyang nahihibang na ata.

Pag dating ng sasakyan ay agad itong sumakay at pinaharurot papunta sa lugar na alam na alam niya na naging dahilan kung bakit mag kaaway silang dalawa ng kambal niya.

"Pag ako talaga napikon hahampasin ko ng baseball bat sa ulo yun ng matauhan." Puno ng inis na sabi ni Cole habang sinusundan yung sasakyan ni Cody.

Tuwing naalala ni Cole yung dahilan ng pag aaway nila ng kambal niya lalong nadadagdagan yung inis niya sa kambal niya dahil sa pagiging tanga.

Flashback (Cole's POV)

It's almost weekend at plano ko sanang yayain ang barkada na umalis. Bonding sana ang tagal naming hindi nag kakasama ng buo eh. Kaya lang mukhang impossible lalo na at busy sa mala teleseryeng drama sila Darwin.

"Bro COD tayo." Yaya ko kay C pag baba niya.

"Next time nalang dude may lakad ako." Sagot ni C tapos nag mamadaling umalis.

"Ano kaya trip nun?" Natanong ko nalang sa kawalan habang nakatingin sa pinto. I just shrug at umupo sa couch and reach for the Game console at nag laro.

Ilang araw na ang lumipas at ilang araw nadin akong nag tataka kung san nag pupunta si C. Lagi kasing nakaporma pag aalis tapos ang sakit pa sa ilong pag nakakasalubong ko siya. Pinaligo ata yung pabango. Tapos kung makangiti kala mo model ng toothpaste. Tangna kung di ko lang kambal yun iisipin kong nabading na yun. At dahil kambal ko siya, alam kong poporma lang ang gagong yun.

Kaya sinundan ko na hangga't maaga pa. Para mahuli ko nadin ang kabalastugan--este--pamomorma ng kambal ko.

Halos 30 minutes ko din siya sinusundan dahil kung san san siya humihinto para bumili ng kung ano ano. Gusto niyo malaman kung ano? Haha mamaya malalaman niyo. Pumasok siya sa isang subdivision at pagka tapos kumaliwa at kumanan ng madaming beses huminto siya sa tapat ng grey na bahay. At syempre di niya alam na sinusundan ko siya kaya tinigil ko yung sasakyan bago lumiko sa street na yun. Hindi naman ganon kalayo kaya kita ko padin.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon