Chapter 43: Unexpected News
3rd Person's POV
4 days.
4 days na simula nung event apat na araw nadin simula ng magka problema ng matindi ang mag kakaibigan.
Nasa ospital padin si Baby Cassandra at sa loob ng apat na araw na yun laging naka bantay si Darwin sa kanya. Halos hindi na nga umaalis si Darwin sa ospital, uuwi lang para maligo at mag palit tapos babalik na agad sa ospital. Hindi din siya gaanong makatulog pag naririnig niyang umiiyak si baby Cassandra.
Apat na araw nadin simula ng makulong ang kambal. Si Cody pinayagan ng makalabas pero si Cole hindi padin dahil hindi padin clear yung kaso kung wala talaga siyang kasalanan. Ayaw naman iwan ni Cody ang kakambal kaya nag pumilit siyang manatili don. Hindi man sa loob pero lagi siyang nakabantay sa kakambal niya.
Apat na araw nadin simula ng ma-engage si Michael kay Roxanne at ang revelation sa nakaraan ni Roxanne at ni Austine.
At apat na araw nading walang ibang ginawa si Gab kundi asikasuhin yung kaso ng kambal at tumulong sa kapatid niya para mapadali ang pag laya ni Cole. Wala ding araw na hindi niya dinalaw ang kambal para dalhan ng mga kakailanganin nila. Ganon din kay Darwin.
Hindi pa nakakapag usap ulit si Michael at Gab. At si Austine naman laging nakakulong lang sa bahay niya.
Napa buntong hininga si Gab habang nag lalakad siya papasok ng police station. Nag file siya ng request order na malipat sa maayos at malinis na selda si Cole. Call it special treatment pero yun ang gusto niyang mangyari at yon ang nangyari. Ayaw niyang mahirapan si Cole at naniniwala siyang wala itong kasalanan kaya hindi dapat ito napaparusahan.
Linipat si Cole sa isang private cell. At doon nakabantay ang isang pulis habang nakaupo naman sa isang silya si Cody habang nakikipag kwentuhan sa kakambal.
Pumasok si Gab at agad naman napatingin yung dalawa. Ngumiti si Gab sa kanila at ganon din naman ang kambal pero malungkot at tipid lang yun.
"I brought you food and something you could wear." Lumapit si Gab sa kanila at chineck muna ng bantay yung dala niya bago hinayaang makalapit kela Cole. Inabot niya kay Cole paper bag.
"Don't worry matino yung underwear na dinala ko hindi na siya yung printed na superman." Natatawang sabi ni Gab ng makita niyang sinilip ni Cole yung paper bag na may lamang damit. Natawa naman si Cody sa sinabe ni Gab.
"Hoy! Anong tinatawa tawa mo?! Baka nakalimutan mong may boxer ka nga ni snoopy eh!" Pang aasar ni Cole. Natigilan naman si Cody sa pag tawa at sinamaan ng tingin si Cole.
"Gago regalo mo yun diba!" Sagot naman pabalik ni Cody.
Nanonood lang si Gab sa kanila habang mahinang tumatawa.
'Nakakamiss pala yung lagi silang ganito.'
Sa isip isip ni Gab.
Biglang napatigil yung dalawa sa pag babangayan at sabay na tumingin kay Gab.
"Gab okay ka lang?" Sabay na tanong ng kambal. Napataas naman yung kilay ni Gab.
"Oo naman. Bat naman hindi ako magiging okay?"
"Eh kasi ang weird ng tingin mo eh. Tapos ang creepy mo pa ngumiti."
Lalo namang lumawak yung ngiti ni Gab at dahan dahan na lumapit sa dalawa. Lumapit na si Cody sa may bakal at kumapit doon.
"Ganto ba?" Ngumiti ng nakakatakot si Gab habang papalapit sa kanila habang yung kambal humahakbang paatras.
"Shit! Shit! Mamang police! Ipasok niyo nalang po ako sa kulungan ng kapatid ko!" Sigaw ni Cody habang humahakbang palayo kay Gab at pilit na ping kakasya yung sarili niya sa pagitan ng bakal ng rehas.
Bigla namang tumigil si Gab sa pag lalakad bago tumawa ng malakas.
"Hahahahahaha! Ang epic ng mukha niyong dalawa! Di padin kayo nag babago matatakutin padin kayong dalawa." Tumatawang sabi ni Gab. Napasimangot na yung dalawa. Mag sasalita palang dapat si Cody ng biglang tumunog yung cellphone ni Gab.
Saglit na napatigil si Gab habang nakatingin sa cellphone niya bago lumabas para sagutin yung tawag.
Dahan dahan namang nawala yung ngiti ng dalawa. Umupo si Cole sa sahig habang si Cody naman ay sumandal sa dingding.
"We should stop acting like this. We can't fool her forever." Sabi ni Cody habang nakatingin sa kisame.
"I'm not acting. Ikaw lang naman ang hindi makaintindi. You should know what's wrong and what's right." Sabi ni Cole habang matiim na nakatingin sa kakambal. Lumingon naman si Cody sa kanya at tinignan siya ng masama.
"I know what I'm doing so stop telling me what to do. Mind your own business." Ngumisi naman si Cole sa kanya at tumayo.
"Stop seeing her. Or you might get killed the next time you see that woman."
--
Diretsong nag lalakad si Michael papasok ng police station para dalawin ang kambal ng mapadaan siya malapit sa hagdan ng fire exit.
"I know the risks. It's been going for years and nothing happened so far. So please just let me do this."
Napahinto si Michael sa pag lalakad ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Hindi siya pwedeng mag kamali dahil kilalang kilala niya yun. Dahan dahan siyang lumapit kung san nag mumula yung boses at hindi siya nag kamali ng makita niya si Gab na nakatalikod habang hawak ang phone sa tenga at may kausap.
Malungkot ang boses nito at namumutla. Gustong niyang lapitan ito dahil nag aalala siya sa dalaga pero pinangunahan parin siya ng pangamba.
She knows Gab at alam niya na kapag lumapit siya its either hindi siya papansinin nito at iiwasan o ituturing siya na parang wala lang.
He knows he hurt Gab so much but it hurts him too. It just left him with no choice.
Naputol siya sa malalim na pag iisip ng muling nag salita si Gab.
"I know at kung yung pag balik ko dyan ang dahilan para iwan ko sila dito then I won't come back. Even if it cost my life." Gab said with finality in her voice at pinatay ang tawag.
Umalis si Michael sa kinatatayuan niya na magulo ang utak.
'What the hell is going on? And who is she talking to?'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gab's POV
I sigh in frustration as I ended the call. Sumasakit yung ulo ko and they are really doing a good part on causing it.
Ilan minuto din akong nakatayo doon habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko at mas lalo pang nadadagan yung problema ngayon lalo na't tumawag sakin si Tita Lyndsay asking me an update of her sons.
Ayokong mag sinungaling at mas lalong ayokong mag sabi ng totoo dahil malaking gulo yun pag nalaman ni tita na nakulong ang isa sa anak niya. So I decided to tell her that they are doing fine even if they're not.
Akala ko madami pa siyang itatanong but I guess she trust me so much that she didn't bother asking. And I don't know if that's a good thing since I'm feeling guilty for not telling her the truth.
Sana lang mailabas na namin si Cole bago pa malaman ng mommy nila ang totoo.
I sigh before deciding to go back. Hindi pa ata ako nakakailang hakbang ng biglang tumunog yung phone ko.
It's Allison calling....
Hindi na ko nag dalawang isip at sinagot ito agad.
"He--" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko when she suddenly cuts me off.
"GAB! Darwin needs you right now." Tarantang sabi ni Allison.
"Teka Al calm down. Anong nangyari?" Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko habang inaantay yung sasabihin ni Allison.
Please Lord! Wala naman po sanang mangyaring masama.
Napahawak ako sa dibdib ko at unti unting lumuwag yung hawak ko sa phone ng marinig ko yung sinabe ni Allison.
"Gab...
She's gone. Cassandra's gone."
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
Ficción GeneralSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...