Author's Note
UD na! :) bilis ng UD ngayon no? Sipag eh!
Broken hearted ata ako pero di ko alam kung kanino at bakit. Kayo ba alam niyo? Hahaha lakas ng tama ko ngayon.
Well maenjoy niyo sana to :>
piecesofbeauty 😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 41: The Bestfriend DutiesGab's POV
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi na ko magugulat kung pati yung mga tao sa paligid ko marinig ito.
Halos paliparin ko na yung taxi para lang makarating ako dun agad. Nanginginig yung mga kamay ko at panay din ang punas ko sa noo ng pawis.
'Lord wag naman po. Wag naman po sana.'
Taimtim na dasal ko. At halos halikan ko na si manong driver ng makita ko entrance ng ospital. Kaya di na ko nag aksaya pa ng panahon pag dating sa tapat nag abot lang ako kay manong ng bayad sabay takbo palabas.
Lahat ng makasalubong ko pinag titinginan ako. Sino ba naman kasing di mapapatingin eh para akong hinahabol ng aso. Bukod pa don hindi pa ko nag papalit ng damit kaya naka cocktail dress padin ako and 4 inch heels habang tumatakbo sa hallways ng ospital.
Siguro kung nasa ibang sitwasyon ako? Hinding hindi ko maiisip na gagawin ko to. Baka nga tawanan ko pa yung sarili ko kasi para akong naka pelikula pero hindi eh. It's a matter of life and death situation kaya para mabilis akong makarating dun hinubad ko na yung sapatos ko tsaka binato kung san san.
"Aray!" Daing nung tingin kong tinamaan nung sapatos ko.
Shit! Kala ko walang tinamaan.
"Sorry!" Sigaw ko sabay takbo ulit.
Di ko na pinansin yung ibang sinabe niya dahil nakatuon lang yung atensyon ko sa taong nakaupo sa upuan malapit sa pinto ng kwarto habang nakatulala na nakatingin sa kaharap nitong dingding. Napahinto ako habang nakatingin sa kanya.
Halo halong emosyon yung nararamdaman ko habang dahan dahan akong nag lalakad papalapit sa kanya.
Is it late?
Am I late?
God please! Sana hindi.
Huminto ako at lumuhod sa tapat niya. Unti unti niyang itinuon yung paningin niya sakin. At ngayon kitang kita ko na yung pagod, sakit, at pag aalala niya. Hindi ko na napigilan at sinunggaban ko siya ng yakap.
"I'm here......
I'm here Da. Nandito lang ako." Mahinang bulong ko pero alam kong rinig na rinig niya dahil unti unti kong nararamdaman yung mga braso niya para yakapin ako pabalik.
"I'm worried Gab. I'm damn worried." Sabi niya ng paulit ulit at yinakap ako ng mas mahigpit.
"I know. Don't worry she'll be okay." I comfort him pero ako sa sarili ko gusto ko ng maiyak.
Yung tumawag sakin kanina secretary ng family nila Darwin.
"What happened?" Bumitaw kami sa pag kakayakap tsaka ako umupo sa tabi niya.
"I was in my dad's office earlier for some signing. Iniwan ko si baby kasama si Ali sa bahay kasi nga pinatawag ako ni dad. Tapos biglang tumawag si Ali sa office na tinakbo niya daw si baby sa ospital kasi sobrang taas ng lagnat. I panic kaya pumunta agad ako dito." He said as he stare at the wall again. Ilang sandali siyang nakatitig dun ng biglang lumingon siya sakin.
"I'm worried Gab. I'm damn worried at hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya." Sabi niya ng punong puno ng pag aalala. Wala akong magawa kundi yakapin lang siya kasi yung yung best na alam kong makakapag comfort sa kanya.

BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...