Chapter 5: Sorry Is Enough

7.6K 155 25
                                    


Austine's Pic on the side -------->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Darwin's POV


Nagising ako na parang binibiyak yung ulo ko sa sakit!

Ugh! Ang sakit ng ulo ko!

Tumingin ako sa alarm clock ko't nakita na 7 am na. Tinatamad akong tumayo para pumasok pero nakita kong may tubig at gamot sa side table ko.

Teka paanong? Biglang nanlaki yung mata ko't napabalikwas ako ng bangon.

"Sht! Nandito si Gab!"

Halos madapa na ko sa kakamadali. 3 steps nalang ng hagdan ng biglang....

*Blag*


"Oh Da bakit nag swiswimming ka sa sahig? May pool naman tayo." Narinig kong tanong ni Cody.

Dafvck nadapa pa ko!

"Ahhh baka atat lang siya. Alam mo naman yan si Darwin sabik sa tubig. Hindi kasi naliligo." Tumatawa pang sabi ni Cole.

Tarantado talaga tong kambal na to. Sarap palamunin ng lason ng mawala nalang. Tumayo na ko't lumapit sa dalawang bwiset.

"ARAY! BAT KA NAMAN NAMBABATOK!?" Sabay pang sigaw ng kambal na itlog.

"Gusto ko lang. Bakit aangal kayo?"

Sabay pa silang ngumiti na parang aso sabay taas ng dalawang kamay.

"Ikaw naman Da masyado kang sensitive." Sabi ni Cole.

"Oo nga Da. Chill! Masyado kang hot eh." Sunod naman na sabi ni Cody.

"Alam kong hot ako di niyo na kailangan ipag alala." Ngumisi ako at nag punta na ng kitchen.

"Wooooh! Ang hangin!" Rinig kong sabi ni Cody.

"Oo nga! May bagyo ata!" Dugtong naman ni Cole.

Di ko nalang pinansin yung dalawa. Pagka pasok ko ng kitchen agad kong hinanap si Gabrielle.

"Kung si Gab ang hinahanap mo kanina pa siya umalis." Napalingon ako kay Michael na nakaupo lang sa lamesa habang nag kakape. Tumingin siya sakin bago nag salita ulit. Umupo ako sa upuan ko.

"Kanina pa siya umalis. Akala ko nga hindi na siya galit satin kasi nag punta siya dito pero wala ang cold niya padin. Mukhang pumunta lang talaga siya dito para ipag luto tayo ng breakfast."

Napatingin nalang ako sa pagkain na nasa harap namin. Ramdam ko din na umupo na sila Cody sa upuan nila. Isang upuan lang naman yung walang nakaupo.

"What should we do? Hindi naman pwedeng wala tayong gawin katulad dati." Sabi ni Cody.

"Yeah. Hindi ko din kayang galit sa atin si Gab." Malungkot na sabi ni Cole.

"Namimiss ko yung panenermon niya satin. Kahit masakit sa tenga." Sabi naman ni Austine.

"Ang sabihin mo namimiss mo lang yung pag papaalala sayo ni Gab na laging gumamit ng condom!" Pang aasar sa kanya ni Cody. Natawa naman si Cole sa sinabi ng kambal niya. Bumuntong hininga naman si Austine.

"Pati yun namiss ko."

Kung hindi lang siguro mabigat yung atmosphere at may problema kami baka kanina pa ko tumatawa.

"Tsss. Mamaya na nga kayo mag asaran. Mag isip muna tayo ng paraan para hindi na magalit si Gabby satin." Sabi ni Michael kaya umayos na ng upo yung tatlo.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon