A/N:
Unang una sa lahat gusto kong mag pasalamat ng ng basa at tumutok sa storyang to. Maraming salamat kasi di kayo nag sawang sumuporta at mag antay kahit ang tagal ko mag update. Sana hindi kayo nadisappoint sa pag basa nito.
At dahil nag request kayo, eto na. Sulitin na natin to dahil eto na ang huling sayaw. :>>
I dedicate this chapter to @hotkisses19 salamat sa pag comment and vote mo. :)
Enjoy!
piecesofbeauty 😘
--
Chapter 48: The Truth3rd Person's POV
Mabigat ang pakiramdam na unti unting minulat ni Darwin ang mga mata niya. Ilang beses pa siyang kumurap kurap para luminaw ang paningin. Agad na lumibot ang tingin niya kung nasan siya at nag tataka kung bakit nasa ospital siya. Nasa ganong estado siya ng may pumasok sa kwarto.
"Gising kana pala." Matamlay na sabi ni Cody at lumapit sa kama niya.
Tinulungan naman siya ni Cody paupo ng dahan dahan dahil masakit padin ang katawan niya. At sariwa pa ang ibang sugat at pasa sa katawan niya.
"Bakit nandito ako?" Tanong niya pagka upo niya.
"Hindi mo maalala?" Tila nabiglang tanong ni Cody. Umiling naman siya.
"Naaksidente kayo ni Gab." Yun lang ang sinabi ni Cody sa kanya pero tila parang biglang nag flashback sa utak niya lahat ng nangyari.
Sa cementery. The fight between him and Gab. Tapos yung pag mamaneho niya ng lasing. At hanggang sa pag bangga nila ay naaalala na niya. And what's worst is he also remember the look on Gab when he remain concious that time. Agad siyang nakaramdam ng pag papanic ng maalala ang kondisyon ni Gab.
"Nasan si Gab?" Panic niyang tanong. Bigla namang lumungkot yung mukha ni Cody dahilan para dumoble ang kaba niya.
"FVCK CODY SUMAGOT KA! ASAN SI GAB?!" Hindi niya na napigilang sumigaw dahil bawat segundong lumilipas na hindi niya nakikita si Gab ay doble doble ang kaba na nasa puso niya.
Bumuntong hininga muna si Cody bago sumagot.
"Nasa ICU siya....Critical Condition." Nahihirapang sabi ni Cody at tila nawalan siya ng lakas dahil sa narinig.
Ilang minutonakaupo lang don at nakatulala si Darwin na parang di mapaniwalaan yung nangyari. It's his fault and he knows it. He blames himself for what happened.
"It's my fault. It's my damn fault!" Galit na sabi ni Darwin at kinuyom ang kamao niya.
Nakatayo lang malapit sa kanya si Cody at pinapanood ang kaibigan. Wala naman siyang masabi o magawa para dito dahil siya mismo ay nanlulumo ng malaman ito.
It's been 3 days since the accident happened. Maswerte si Darwin dahil wala siyang seryosong natamo kundi puro sugat at pasa lang. But Gab's in different situation.
"I want to see her." Sabi ni Darwin, napakamot naman ng ulo si Cody.
"Di ko alam kung papayagan ka ng doctor na lumabas."
"I don't care. I want to see her not even a damn doctor can do anything about it." Darwin said with finality in his voice.
Dahan dahan siyang bumaba ng kama. Napabuntong hininga naman si Cody at tinulungan nalang ang kaibigan. Hindi pa makapag lakad ng maayos si Darwin dahil narin sa maga pa ang isa niyang paa. Kaya kumuha pa si Cody ng wheelchair para dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/28054229-288-k415181.jpg)
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...