Darwin at the side ----------------------------->
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gab's POV
"Cody yung sa kaliwang bintana baka nakalimutan mo. Cole yung banyo siguraduhin mong maayos yan. Austine ano ba! Pulutin mo nga yang mga rubber na pakalat kalat! At ikaw naman Darwin tumigil kana sa pag kupit ng cookies at mag hugas kana! Hoy Michael pumunta kana sa pool at madami dami kang lilinisin don." Pag utos ko sa kanila.
Napangiti ako habang pinapanood silang mag linis ng buong bahay. Naalala niyo ba nung sinabi ni Darwin na gagawin nila lahat para mag bati bati kami? Well now is the time para pag samantalahan este pakinabangan yung sinabi nila. Hehe
Simple lang naman yung pinapagawa ko sa kanila at para sa kanila din naman yun.
"Gab naman akala ko ba bati na tayo eh bat parang may galit ka padin samin sa dami ng pinapalinis mo?!" Reklamo ni Darwin habang nag huhugas ng plato.
Actually nasa living room ako habang hawak hawak yung laptop ko kung san nakarecord yung cctv ng bahay kaya alam ko kung ano ginagawa nila.
"Heh! Manahimik ka jan! Sabi niyo gagawin niyo lahat diba? So wag kana mag reklamo jan at mag hugas kana." Sigaw ko sa kanya.
Napangiti naman ako habang pinapanood ko siyang bumubulong bulong habang nag huhugas. Hahahaha! Kahit kelan talaga napaka reklamador niya.
"Naknang tipaklong naman oh! Sino bang tumae dito at hindi manlang nag abalang mag flush!? Pota ang baho!" Sigaw ni Cole mula sa banyo. Halos mapahiga na ko sa sobrang pag tawa.
Hahahahaha sht! Comedy to! Napatingin ako kay Cole na hindi maipinta yung mukha na kakalabas lang ng banyo.
"Gab naman! Bat naman yung pinakamahirap yung napunta sakin?" Reklamo niya na halos maiiyak na. Ngumiti lang ako sa kanya ng nakakaloko.
"Cole hindi ko kasalanan na malas ka sa bunutan kaya wag kana mag reklamo at bumalik kana sa cr at ituloy mo na ang trabaho mo." Tumalikod na siya at halos diring diring pumasok ulit ng banyo.
Hay nako. Reklamo sila ng reklamo eh si dapat nga si Austine pa yung mag reklamo kasi siya yung pinaka madaming gagawin. Siya kasi yung mag lilinis ng lahat ng kwarto sa taas meaning 6 yun. Dami diba?
It's been a week since nung away namin. At dahil weekend ngayon ritual na namin ang mag bonding or may gagawin. Plano talaga naming mag paint ball fight pero dahil uminit ang mata ko sa dumi ng buong bahay kaya naisipan ko nalang pag linisin sila. Grabe kaya yung dumi kanina, dinaig pa ata nadaanan ng bagyo eh!
Yung living room parang bodega sa dami ng nag kalat na gamit. May mga bote, chips at bra na nakakalat. The fvck lang diba?! Pati bra pakalat kalat! Kung hindi ko lang sila kilala mapag kakamalan ko silang bading. Yung mga upuan naman nasa mag kakabilang dulo na. Yung maayos nalang ata eh yung cd racks. Aba! Subukan lang nilang galawin yun baka nakatikim sila ng tag iisang sapak.
Sakin kasi yung mga dvd kaya ayokong magagasgasan yun o masisira. Nung minsan ngang nagasgasan ni Darwin yung titanic na CD halos mabunot lahat ng buhok niya sa sobrang pag sabunot ko sa kanya. Buti nga at mejo naawa pa ko sa kanya kaya hindi naubos yung buhok niya. Halos isang linggo siyang hindi nakalabas dahil sa buhok niya kaya simula nun maingat sila pag ginagamit nila yung mga dvd ko.
Okay back sa pag dedescribe....
Yung kitchen naman parang pugaran ng baboy. Tangna ang kalat! Tambak yung hugasin at ang dumi ng lamesa.
At syempre hindi papahuli ang mga kwarto nila. Feeling ko nasa jungle ako nung nakita ko yung mga kwarto nila. At kung ako sainyo hindi ko na aalamin kung ano ang nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28054229-288-k415181.jpg)
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
Genel KurguSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...