Chapter 18: Intrams
Gab's POV
Nandito kami ngayon sa bahay dahil dito na kami dumeretso after ng binyag. Mejo awkward pa nga nung una dahil sa sinabi ko kanina.
Eh kasi naman diba?! Hindi ko naman kasalanan na bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Word Vomit kung baga. Pero kung ako nabigla, mas nabigla yung lima. Lalong lalo na si Darwin na parang tanga na nakanganga pa.
"C! Paabot naman ng barbecue!" Pakiusap ni Cody sa kakambal.
"Ayoko. Kuhanin mo mag isa. May kamay ka diba?" Ngumuso naman si Cody sa sagot ni Cole.
Buti nalang talaga at nandito tong dalawang to. Kundi baka para kaming nasa library sa sobrang tahimik. Lalo na yung dalawa. Well.... Tahimik naman talaga si Michael pero si Darwin? Never yun!
"Gabby! Pupunta ka ba next week?" Tanong sakin ni Austine kaya napatigil ako sa pag inom at kunot noong tumingin sa kanya.
"Bakit? Anong meron next week?" Tanong ko sa kanya pero siya tinignan lang ako na para ba kong alien or something. Problema nito?
"Nakakasakit kana ng damdamin ha! Hindi porket si baby lagi ang attention mo magiging makalimutin ka na." Pag iinarte niya.
Okay? Kelan pa siya natutong mag drama?
"Sabihin mo nalang kaya kung anong meron next week."
"Intrams na next week Gab." Sabi ni Cole habang ngumunguya nguya pa.
Aish! Oo nga pala! Nakalimutan ko next week na yun! Kasi naman hindi na ko masyadong nakakapasok.
"Mmmmm.... Oo nga pala." Tumango tango pa ko.
"Pupunta ka naman diba? Papanoorin mo kami diba?" Tanong ni Austine with hopeful face.
Tumingin ako sa kanilang lima dahil lahat sila nag aantay ng sagot ko. Nag kunwari pa kong nag iisip para mejo suspense.
"Yep. Pupunta ako." Nakita ko namang napangiti si Austine sa sinabi ko.
Para namang ako yung mag lalaro, kung maka react tong mga to!
"Ahh teka ano palang sports sinalihan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Kami swimming." Sagot nung kambal.
"Ako soccer." Sagot naman ni Austine.
Tumingin naman ako sa dalawa na wala atang balak sumagot.
"Eh kayong dalawa?" Tanong ko.
"Basketball." Sabay pang sagot ng dalawa.
"Ah oo nga noh? Mag kalaban yung department niyo sa first game kaya for sure mag kalaban kayo." Singit ni Austine habang nakangisi. Napataas naman yung kilay ko.
"Ahuh. It's a war." Pauna ni Cody.
"Between two lovers." Natatawa pang sabi ni Cole. Lalo namang lumapad yung ngisi ni Austine.
"Problema niyo?" Tanong ko sa kanila kasi mukha silang nag tatalo talo sa pamamagitan ng mata. Duh! Ang tense ng atmosphere.
"Wala." Sabay pang sabi ni Mike tsaka Darwin.
Yung totoo?! May alitan ba tong dalawang to?
"Umamin nga kayo. Mag kaaway ba kayong dalawa?" Hindi na ko nakatiis at tinanong ko na sila. Nakaturo pa yung tinidor ko sa kanila na mag katapat lang.
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...