Chapter 14: Hunch
Gab's POV
"M-Michael?"
Yan lang yung lumabas sa bibig ko ng makita ko siya. Ano kayang turnilyo ang pumasok sa kokote nito at nag salita? Take note nag bid siya ng 50 thou. Wait! 50 THOUSAND?!
Nanlalaking mata akong tumingin sa kanya. Ibinuka ko yung bibig ko para kumontra kaya lang.....
"Sold! Thank you all for participating in this." Sabi ni Kate.
WHAT THE HELL?!
Hindi pa nga ako nakakakontra tapos Sold agad?!
Dali dali akong bumaba at sakto ko naman nakita sila Mike sa pwesto ko. Oo, Sila! Mag kakasama na yung tatlong kumag.
Agad kong binatukan yung tatlo pag kalapit nila.
"Ouch!" -Mike
"Aray!" -Darwin
"Ow!" - Austine
"Ano nanaman bang pumasok sa kokote niyo at nag participate kayo sa bidding?!" Inis kong sigaw sa kanila habang sila nag kakamot padin ng ulo. Mukhang napalakas ata yung sapak ko ah.
"Eh anong gusto mong gawin namin? Hayaan kang bilhin nung mga gagong yun?" May bahid ng inis sa boses ni Darwin. Ay oo nga pala may atraso pa ko dito. Ah basta mamaya na ko babawi sa kanya kailangan ko munang sermonan tong mga to.
"Kahit na! Dapat di kayo nag aaksaya ng pera niyo!"
"Hindi kami nag aaksaya ng pera. Your worth is more than that money. Your priceless." Seryosong sabi ni Mike. Nabigla man ako sa sinabi niya kaya napatulala ako pero unti unti ding napangiti.
Eto talagang lalaking to! Hahaha nakaka touch naman! Ahehe hindi na nga ako galit!
"Grabe ka naman Gab! Bat pati ako may sapok eh sila lang naman yung nag bid." Reklamo ni Austine.
Basag moment talaga tong bwisit na to! Kaya simaan ko siya ng tingin.
"Aba! So wala ka palang balak na gumastos para masalba ako sa mga gagong yun?!"
Grabe ha!
"Sus! Di ko na kailangan pang makipag pataasan ng bid sa mga yun dahil alam kong may hindi papayag na makasama ka ng iba." Makahulugan na sabi ni Austine. Napataas yung kilay ko sa sinabi niya kasabay ng pag iwas ng tingin nung dalawa.
Anyare?
"Teka asan pala yung kambal?" Tanong ko sa kanila ng maalala ko yung dalawang pasaway.
Nag shrug lang si Mike tsaka Darwin samantalang si Austine nakahawak sa baba niya na para bang may malalim na iniisip. Kelan pa natutong mag isip to?
"Ah! Naalala ko na!" Biglang sabi ni Austine kaya napatingin kami sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko.
Ano nanaman kayang pumasok sa walang laman na kokote nito?
"Nakita ko silang kumakain dun sa may Cafe. Yung booth ng med students. Balita ko puro babae dun. Tara punta tayo!" Basta talaga babae napaka timawa nito!
At dahil tinatamad akon kumontra at gutom na ko wala nalang akong nagawa.
"Ahhhh...... Speaking of Cafe, tara kumain muna tayo, nagugutom na ko eh." Yaya ko sa kanila. Tumango naman sila bilang sang ayon. Lalo na si Austine na parang kumikinang kinang pa yung mata. Haaaay kawawa talaga tong manyak kong kaibigan. Napatingin naman ako kay Darwin tsaka kay Mike na nasa unahan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28054229-288-k415181.jpg)
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...