Chapter 31: Confused Feelings
3rd Person's POV
Kasalukuyan na gumagawa ng bruch si Gab habang ng lalaro ng COD (Call of Duty) yung apat sa living room. She's making a grilled cheese dahil mostly yun ang paboritang meryenda nung lima. Pero kahit na apat lang yung mga kumag nag handa padin siya ng marami dahil alam niyang sobrang takaw ng mga yun.
After niyang magawa yung mga sandwiches pumunta siya sa living room pero hindi siya agad lumapit at pinag masdan lang yung apat habang nag lalaro.
"Fuck! Sa downtown nanaman!" Sigaw ni Cody habang nag lalaro.
Call of Duty: Black Ops 2 ata yung linalaro nila. She's not dumb about video games. Actually nag lalaro sila minsan kaya lang lagi siyang pinaka mababang score pag sila Austine ang kalaban niya. Eh expertise na ata nila ang pag lalaro niyan dahil lagi silang nasa game room. Mas mabuti ngang yan lang linalaro nila kesa katawan ng babae. Ugh! Mga manyak!
"Dude! Get the fuck down! Nakakatatlong reload kana wala ka pading natatamaan!" Sigaw naman ni Cody kay Cole.
2 on 2 kasi yung laro kaya mag kakampi yung kambal tapos mag kakampi si Darwin tsaka Austine.
Lumapit na si Gab sa kanila kasi nangangalay na siyang tumayo.
"Hoy tigil niyo muna yan." Sabi ni Gab sa kanila habang nag lalakad pero ang mga gago hindi manlang siya pinansin.
"PAGKAIN!" Sigaw ni Cody ng linapag ni Gab yung sandwiches sa harap nila.
'Mga bwiset talaga! Pag ako hindi pinapansin pero pag pagkain mas mabilis pa sa kabayo ang mga kumag! Hindi pa nag thank you! Bwiset talaga!' Inis na maktol ni Gab sa isip niya.
Napabuntong hininga nalang si Gab at napag isipan na kailangan niya ng alone time kaya iniwan niya yung mga yon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gab's POV
Nag lalakad lang ako sa may seaside malayo sa mataong lugar para makapag isip isip.
Something's bothering me and yes, it's about those two. Hindi ko naman ineexpect to eh. Hindi ko ineexpect na mag kakagusto sakin si Michael. At the same time si Darwin. Never nga atang sumagi sa isip ko yun e.
At ang masaklap pa dito, wala akong idea sa love. Ni katiting wala. In the first place naman kasi wala akong balaka mainlove. Kung titignan nga nung nag tapat yung dalawa parang wala lang sakin. I mean I'm flustered ofcourse! Hello? Dalawang bestfriend ko yun oh! Pero kasi hindi ko naman alam mararamdaman ko nung nag tapat sila e kasi wala naman talaga akong idea sa love kaya I just become neutral.
Normal padin naman yung pakikitungo namin sa isa't isa kahit yung dalawa normal naman. I'm aware na pwedeng may mag bago lalo na nung nag tapat yung dalawa pero I think there's no bad blood na nangyayari sa kanilang dalawa.. I guess? Pero kahit na normal padin parang may something. Parang hindi na mababalik yung talagang tight na friendship. And I'm aware of that.
Haaaaay.... Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm having a confused thoughts about this. Ayokong makasakit at ayokong may masaktan. My whole life is planned at wala sa plano ko ang mainlove. Kahit naman dati nung hindi pa sila umaamin may nag tatangkang manligaw sakin pero syempre dinaig pa nilang lima yung kapatid ko sa sobrang over protective. Nag kacrush na nga ako dun sa isa kaya lang ang hilig umepal nung lima. Nung una naiinis pa ko pero naisip ko mas okay na yun wala naman kasi akong planong mag boyfriend.
Habang nag lalakad ako may nadaanan akong kumpol kumpol na nanonood ng sunset. Putek puro lovers pa! Kaya dun ako umupo sa dulo. Sa may malalaking bato. I sigh as I watch the sunset.

BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
Художественная прозаSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...