Chapter 36: Misapprehension
Darwin's POV
Loud music filled my ears while I was walking through the crowded bar. Dirediretso akong umupo sa isang booth not minding anyone or looking anywhere.
"One bottle of Bacardi." Utos ko sa waiter.
I plan on getting wasted tonight at wala akong kung may mangyari man sakin.
Pagka lapag ng bote ng alak sa harap ko agad akong nag salin sa baso at agad iyong tinungga. I felt the familiar burn on my throat pero wala yun sa kagustuhan kong malasing ngayon.
Salin, Tungga. Mabilis kong makalahati yung laman ng bote pero pakiramdam ko walang epekto ang alak sa sistema ko ngayon.
Sabi nila nakakapag palimot at nakakatanggal ng sakit ang alak. That's what I'm trying to do. Gusto kong makalimot kasi nasasaktan ako ngayon. Paulit ulit na nag flaflashback sa utak ko yung nakita ko kanina at hindi ko mapigilan na ikuyom yung kamao ko.
Flashback
Kakahatid ko lang kela Gab at sa tatlong itlog sa bahay. Papunta na ko sa bahay nila Mama para dalawin ang baby ko. I missed my daughter. Isang linggo ko siyang di nakita and I really miss her. Hindi din ako sanay hindi siya kasama o inaalagaan. Hindi man ako perpektong ama but I'm trying to do my best para maging mabuting ama sa kanya kaya gusto ko ako ang nag aalaga sa kanya. And besides I think Gab misses her kaya balak kong iuwi siya sa bahay para makita ang Mommy niya.
Mommy..... Hmmm. It sounds good lalo na kung si Gab yun.
Hindi ko mapigilan mapangiti pag naalala ko yung nangyari sa bakasyon namin. I love calling Gab Mommy and her calling me Daddy. It's our own term of endearment at natutuwa ako knowing that she calls herself my daughter's mother. Damn! Ang sarap isiping isa kaming buong pamilya.
Hindi parin naalis yung ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Pagka tapos kong ipark yung sasakyan agad akong bumaba at sinalubong si Allison na dala si baby Cassandra.
She knows I'm coming dahil tinawagan ko na siya bago ako pumunta dito kaya sinalubong niya na ako at gusto ko din naman na anak ko agad ang makikita ko pag dating ko.
"Finally your here." Bungad niya sakin ng makalapit ako sa kanila at agad na inabot sakin si baby.
"Alam mo bang kanina pa iyak ng iyak yang si baby Cassandra? Nung sinabi kong uuwi na si daddy bigla ba namang tumigil. Haaaay. Iba ka talaga!" Sabi niya kaya napangiti ako at bahagyan napatawa.
Hinarap ko si baby sakin at mas lalong lumapad yung ngiti ko ng nag giggle siya.
"Hi baby! Namiss mo ba si Daddy? Kasi miss na miss ka ni Daddy pati ni Mommy." Sabi ko. Natuwa naman ako ng bigla siyang nag giggle ulit.
I secure my arms around my daughter habang nag lalakad kami ni Allison papasok ng bahay.
"Asan sila mama?" Tanong ko ng mapansin kong wala sila.
"Ang alam ko si Tito pumasok sa office tapos may meeting naman si Tita." Paliwanag niya. Tumango naman ako at pumunta kami sa sala at doon ako umupo sa mahabang couch.
Kandong kandong ko si baby habang pinipilit niya tumayo kaya hinahawakan ko siyang maigi tapos tinayo ko siya paharap sakin. Inaabot niya yung mukha ko habang tumatawa kaya pati ako natatawa sa pinag gagawa ng baby ko. Malaki na siya at pagka tapos ng ilang buwan mag iisang taon na ito. Pakiramdam ko tuloy ang bilis ng panahon.
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
Художественная прозаSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...