Chapter 9: Moving Disaster

6.8K 127 12
                                    

A/N

Dedicated tong chapter na to kay @AsawaNiRapMonster thanks sa first vote :) at sa newest friend ko TheGalWhoCantBeMoved dahil full support ka sa story na to. Thank you! Ginaganahan tuloy ako mag update :))

Hope you'll like this chapter.

piecesofbeauty
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 9: Moving Disaster

Gab's POV

"WE PASSED! YOUR MOVING WITH US!"

Pag kasabi ni Cody nun agad akong kumalas sa yakap niya at tumalikod na at ready ng tumakbo ng may humila ng damit ko mula sa likod.

"Hep! Hep! Hep! At saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Darwin na nakakapit sa damit ko.

"Ah eh may naiwan ako sa room. Kailangan ko kuhain baka kasi manakaw eh." Sabi ko sabay ngiti ng alanganin. Napataas naman yung kilay niya.

"At ano naman yun?" Tanong niya kaya humarap ako sa kanila para mabitawan niya yung damit ko at bumuntong hininga. Tinignan naman nila ako ng puno ng pag tataka.

"KALAYAAN KO KAYA BABU!" Sigaw ko sabay takbo.

"Damn it! Nakatakbo nanaman siya!" Rinig kong mura ni Darwin.

Para kaming mga batang nag hahabulan. Gusto kong tumawa kaya lang baka hindi ako makapag concentrate at mahuli nila ako. Malapit na ko sa gate papuntang parking lot ng may nakita akong wet sign malapit sa madadaan ko.

Oh shit! At dahil full speed ang takbo ko kahit pilitin kong tumigil eh hindi ko napigilan.

"Ouch!"

Buset! Nadulas pa ko! Hinahimas himas ko pa yung pwet ko ng may nakita akong mga paa sa unahan ko.

Oh shit x2!

Napatingala ako at nakita ko si Darwin na nag hahabol pa ng hininga. Paatras naman ako gumapang kahit nakaupo ako ng may nabangga naman ako sa likod. Pag tingala ko nakita ko si Austine na nakangisi sakin.

Oh shit x3!

"AHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko ng hawakan ni Austine yung kamay ko.

"Wag kana pumalag Gab ng maayos tayong makaalis dito." Sabi ni Austine pero hindi ko siya pinansin at pilit na kinukuha yung kamay ko.

"Aish! Pahirapan talaga gusto mo." Sabi ni Darwin sabay kuha ng isang paa ko. Nanlaki naman yung mata ko ng sinenyasan niya yung kambal na tumulong kaya kinuha ni Cody yung isang kamay ko tapos si Cole naman sa kabilang paa.

"HOY! IBABA NIYO NGA AKO! ANO BA!?" Sigaw lang ako ng sigaw at pilit na bitawan nila ako pero para silang mga bingi at hindi ako pinapansin.

Grabe! Nakakahiya! Nag titinginan yung ibang estudyante tapos ako muka akong baboy na kakatayin dahil sa pag buhat nila! Grabe talaga!

Nasa parking lot na kami pero hindi padin nila ako binibitawan.

"HOY! BITIWAN NIYO NA KO! NASA LABAS NA TAYO!" Sigaw ko sa kanila pero as usual hindi nanaman nila ako pinansin.

"Hoy Mike! Ikaw mag drive." Binato ni Darwin kay Michael yung susi at ito naman si gago sinalo. Ugh! Kainis!

Binaba lang nila ako ng nasa tapat ng kami ng kotse pero dahil alam nilang tatakas ako apat padin silang nakakapit sakin.

Seriously?! Para akong most wanted ah?!

Hindi na ko nag sisigaw pero syempre bumubulong bulong padin ako. Nakakainis kaya!

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon