Chapter 10: Vacation Part 1
3rd Person's POV
"Gabby dalian mo na! Malalate na tayo!" Sigaw ni Darwin.
Nasa living room yung lima while waiting for Gab to finish packing and sorting her things out. Oh diba ang galing kong mag english!? Consulted si Mareng Merriam Webster yan!
"Eto na! Eto na! Psh! Bat ba excited kayo eh hindi naman talaga kayo dapat kasama sa bakasyon ko!" Sigaw ni Gab habang hila hila yung trolly niya pababa sa hagdan. At dahil pinaka malapit si Austine sa kanya kaya siya na kumuha ng bagahe ni Gab at binitbit pababa.
"Ugh! Ano bang laman ng bag mo? Bato?!" Inis na sabi ni Austine na halatang bigat na bigat.
"Pangangailangan ko, ano pabang ibang dadalhin ko diba?" Inirapan ni Gab si Austine.
"Kumpleto naba mga dala niyo? Sure baba kayong wala kayo naiwan o gusto mag paiwan?" Tanong ni Gab na nakaharap sa 5 habang simaan naman siya ng tingin ng mga ito.
"Chill guys! Hahaha." Tinaas pa ni Gab yung kamay niya sign of surrender.
"Gabby sure kabang nakabili kana ng ticket namin papuntang Japan? Baka mamaya hindi ah?!" Banggit ni Cole.
"Oo binilhan ko kayo! Halika na nga malalate na tayo!" Sabi ni Gab sabay talikod at nag umpisa ng mag lakad paalis.
Sumunod naman yung lima sa kanya ng tahimik. Nag tataka man sila sa kinikilos ni Gab ay hindi nalang sila umimik.
"Ano kayang nakain niyang at ganyan makangiti?" Tanong ni Cody sa kakambal.
"Ewan ko. Basta ang alam ko, deadly ang ganyang ngiti ni Gab." Sagot naman ni Cole.
Kanina pang umaga nila napapansin na parang ang saya at palangiti ang dalaga. Yung ngiting parang may binabalak kaya kabado sila sa kung ano mang balak ni Gab sa kanila.
"Sana naman hindi niya pasabugin yung eroplano. Kawawa naman mga chix ko." Bumuntong hininga pa si Austine pa parang lungkot na lungkot kaya binatukan siya ni Darwin.
"Tarantado ka talaga! Kung papasabugin ni Gab yung eroplano edi patay din siya dahil nakasakay din siya!" Pabarang sabi ni Darwin pero agad din siyang binatukan ni Michael.
"Aray! Para san yun?!"
"Parehas lang kayo eh." Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawa. Napatawa naman si Cody tsaka Cole habang pinapanood sila.
Habang nag babangayan sila ay hindi nila namalayan na linalagay na ni Gab yung mga bagahe sa sasakyan.
"Oh Gab bat hindi mo kami tinawag para tulungan ka?" Lumapit si Cole sa kanya at tinulungan siyang buhatin yung iba pa. Inirapan lang siya ni Gab bago nag salita.
"Busying busy kayo sa pag haharutan dun. Kahiya naman sainyo diba!" Sarcastic na sabi ni Gab.
"Ahahaha pasensya na boss!" Tumawatang sabi ni Cole.
"Sumakay na kayo. Ako na mag dridrive. Mahirap na baka ibangga niyo pa yung sasakyan." Sabi ni Gab pagkatapos mailagay lahat ng bagahe sa likod.
"Grabe ka naman Gab! Wala kabang tiwala samin." Sabay pout ni Cody.
"Wala. Obvious ba?" Lalo naman napasinangot si Cody kaya tumawa nalang si Gab.
Sumakay na sila ng sasakyan at nag simula na si Gab mag drive. Kanya kanyang ginagawa yung lima. Si Michael nag sousoundtrip, si Darwin nag lalaro sa cellphone, si Austine nanonood, yung kambal nag dadaldalan.
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...