FOURTEEN
Nakaupo na kami sa isang lamesa sa malapit ng café ay hindi pa rin nagsasalita si Diamond at ang kasama niya. Nakatingin lang sila sa akin na para bang isa akong multo o isang halimaw na may pakpak. Nasa harapan ako ni Diamond at magkatabi naman sila ng kanyang boyfriend.
"Bakit ganyan ka? Bakit kung umasta ka parang hindi mo ako kilala?" basag ni Diamond sa katahimikan. Yumuko lamang ako at huminga ng malalim. Noong tinaas ko ang tingin ko sa kanya ay nakita ko na siyang umiiyak.
"Ganyan ka rin ba kay Chance ha? Gosh Daphne! Hanggang kailan mo ba sasaktan yung lalaking yun?"
Napanganga ako. "Ano..kasi.."
"Diamond." Alo ng kanyang nobyo sa kanya. Napatingin ako sa paghimas ng lalaki sa kanyang balikat.
"I lost my memory. I'm sorry pero sino ka?" tanong ko na. Nalaglag sabay ang panga nilang dalawa sa sinabi ko. Napangiwi naman ako at hindi malaman ang gagawin. Nawala ang bagsik sa mukha ni Diamond at tiningnan ako ng diretsyo.
"I'm your bestfriend Daphne. Diamond Lee? Remember? The man-hater? Nung nagkasakit ka, ako ang kasama mo. When you came back, pagkatapos ibigay ni Dyllan ang taning mo, pagkatapos mong binalikan si Chance, ako ang kasama mo. I'm with you every step of the way! How could you not remember me?" tumulo ang luha niya habang sinasabi iyon. Ako naman ay hindi na alam kung ano pa ba ang magagawa ko para makalma siya.
"Alam ba ni Chance ito?" tanong ng kanyang nobyo. Tumango ako bago pinaglaruan ang aking panyo.
"I'm with him. Sumama ako sa kanya kasi ayokong bumalik sa Amerika. My Dad wants me to go.. but.." tumigil ako at huminga ng malalim. Napapikit ako ng maramdaman na naman ang kirot sa gilid ng aking ulo. "But I feel.. na may naiwan ako dito sa Pilipinas..that's why I went with Christian." Pagpapaliwanag ko. Tiningnan ko ang dalawa na nanunuod lamang sa akin.
"Anong sinabi niya sayo? Did he tell you the truth?" tanong ni Diamond.
"He told me he's my husband---"
"Pagkatapos ano?" patuloy na pamimilit ni Diamond. Napanguso ako at umiling lang. Tumango si Diamond.
"Hindi niya sinabi kung anong ginawa niya noong bumalik ka sa kanya pagkatapos mo siyang iwan sa Siargao? Hindi niya sinabi kung anong nangyari noong bigla ka na lang nawala pagkatapos ng kasal ninyo? Wala siyang sinabi? Na kahit na ano?"
"Ayaw niyang magmadali. Kahit ako, hindi ko rin alam kung alin ba ang totoo sa hindi eh. Chance understood that. Kaya nga inaalalayan lang niya ako. You know.." natigilan ako at biglaan na lang napangiti. "Baby steps.." sabi ko habang inaalala ang sariling mga salita ni Chance sa akin noon.
Naudlot ang pag-aalala ko kay Chance noong nagsalita ulit si Diamond. "You left him Daphne. Twice."aniya. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy lamang siya.
"The first one was when you were diagnosed for having a CE. Iniwan mo siya kasi ayaw mong makita ka niyang nahihirapan."
Parang may kung anong kidlat na dumaan sa tapat ng aking mata sa narinig. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Ang kirot sa ulo ko ay tumindi.
"The second one was when you finally decided to try Dyllan's research. Nagsabi ka sa akin noon na babalik ka sa Manila from Siargao para sa operasyon. Pero hindi ka dumating. Next thing I know, tinatawagan na ako ni Chance at hinahanap ka. We never saw you again. You left him." Mahaba nitong paliwanag. Habang nagsasalita siya ay hindi na ako halos makahinga.
"No. My Dad said--"
"Pagkatapos ng ilang araw, pumunta yung mga magulang mo sa bahay namin Daphne. Dala dala nila ang mga singsing mo. The wedding and engagement ring, they brought it with them. Binalik nila kay Chance yun, telling my brother that you wanted to end the marriage." Anas ng nobyo nito.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...