Fish And Bird

138K 2.5K 138
                                    

FOUR

 

 

"Hi."

 

 

I rolled my eyes for the nth time. Akala ko kapag nasa gilid na ako ng kweba, matatahimik na ang buhay ko. Hindi pa pala. Inis ko siyang hinarap habang siya naman, napakalawak ng ngisi niya.

 

 

"Anong ginagawa mo dito?!"

 

 

"Grabe. Is that your way of saying hello?"

 

 

Kaasar! Pasalamat siya at buhay ko itong DSLR ko kung hindi, kanina ko pa binasag ang lente nito sa mukha niya!

 

 

"Anong ginagawa mo dito?" mahinahon ko ng sabi. He smiled at me, showing thoseperfect set of white teeth he have.

 

 

"Just admiring the view." Namulsa ito at sumandal sa bato sa likuran niya. Tinitigan ko siya, mentally killing him for disturbing me.

 

 

"You can take a picture of me if you want. Hindi naman ako nagdadamot sa kagwapuhan ko." Maangas niyang sabi. Napanganga ako, hindi dahil sa kagwapuhan na pinagmamalaki niya kung hindi dahil sa kayabangan na meron siya sa balat niya.

 

 

"This face.." hinimas niya ang baba niya. " This is meant to be shared to the world." Natatawa niyang sabi. Pinanlakihan ko na lang siya ng mata at ngalingaling itusok sa kanya ang tripod ko.

 

 

"Share it to others. Mas maraming nangangailangan ng napakagwapo mong mukha kesa sa akin." sabi ko dito habang inaadjust ko ang lighting ng camera ko.

 

 

"Inaamin mo ng gwapo ako?"

 

 

"Wala akong sinabing ganun."

 

 

"Kakasabi mo lang eh." Maktol niya na para bang bata. Napaharap ulit ako dito at muntik ng matawa ng nakita kong nakanguso siya.

 

 

"You're impossible."

 

 

"Impossibly gorgeous. Over the top gorgeous. I know." Tinaas niya pa ang kamay niya habang sinasabi iyon. Hindi ko na napigilang mapangiti sa pinaggagagawa niyang kalokohan. I tried smiling secretly kaya tumalikod na ako dito at muling hinarap ang camera ko.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon