EIGHT
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. He smiled slowly as he looked at me. But I gasped the moment his eyes lost its shine at nawala rin ang ngiti niya. Tumalim ang tingin niya sa akin bago unti unting lumayo. Sumandal siya sa isang kotse at namulsa.
"I've decided Daphne."
Nahigit ko ang hininga ko when Chance became cold again. Bumigat ang pakiramdam ko sa biglaang pagbabago niya.
"Andrew told me, may dalawa akong pagpipilian. Hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa even if I wanted to. Sinabi ko na sayo hindi ba? Sinubukan ko. But I couldn't. Hindi ko kayang sabay na alagaan ang pagmamahal ko sayo at ang galit ko. At nakapili na ako." Mahaba niyang sabi. Kinabahan ako sa sinabi niya at natakot ako sa kung ano man ang pipiliin niya.
"Noong bumalik ka, I was shaken. Because my nightmare came back after four years. Bumalik rin ang lahat Daphne, the pain, the hatred, the frustrations. It all came back. Isang bagay lang ang hindi bumalik."
Tumayo na ito at naglakad na papasok pero huminto siya sa may galit ko.
"My love for you didn't come back. I don't love you anymore Daphne. Maybe I am only inlove with the fact that I have loved you up until destruction, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na kita mahal. Wala na akong balak na mahalin ka ulit." Matigas niyang sabi. At kahit hindi ko siya nakikita, alam kong seryoso siya sa sinabi niya sa akin.
"So I have chosen. Would I love you again or would I keep my hate? I chose the latter Daphne. I am choosing to hate you. Because you don't deserve to have a second chance."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa sakit ng sinabi niya. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung alin ang masakit sa akin. Ang sinabi ni Chance na hindi na niya ako mamahalin ulit o ang katotohanan na kinamumuhian niya ako?
"You promised you would never let go, but you did. Bumitaw ka. And I am not going to let myself be hurt again because of the same person." Naglakad na siya papasok sa loob. Tulo lang ng tulo ang luha ko. Tinakpan ko na ang bibig ko to heaved my sobs para walang makapansin ng pag iyak ko. Napaupo na ako sa pavement sa sobrang panghihina. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naroon when I felt someone shaking me. Minulat ko ang mata ko when I saw Drianna looking at me.
"Are you alright?" concerned na tanong ng anak ni Sir Andrei Montreal sa akin. pinunasan ko ang luha ko at tumango. Inalalayan niya akong tumayo.
Inabot niya sa akin ang isang panyo bago ako inakay papasok. Dumiretsyo kami sa isang private room. Pumasok kami roon at pinaupo niya ako sa kama.
"Narinig ko ang lahat. I'm sorry." Panimula niya. I looked at her na nakaupo sa harap ko. Nakayuko siya at nilalaro niya ang damit niya.
Tumingin lang ako sa malayo. Matagal na katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago siya nagsalita ulit.
"Wag kang martir, hindi na uso yan."
"Hindi ako martir. Tinutupad ko lang yung pangako ko sa kanya. I promised him I won't let go." Nabasag ang boses ko noong sinabi ko iyon. Nakatingin lang si Drianna sa akin. Napabuntong hininga siya.
"Pero nasasaktan ka na."
"Wala akong pakialam."
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...