Diamond

88.7K 2.3K 100
                                    

THIRTEEN

"How should I introduce the kids to him?" nag-aalala kong tanong kay Faith. Huminga siya ng malalim bago nagkibit balikat.

"I don't know. Hindi mo naman pwedeng biglain iyong tao." Aniya. Tumango ako sa narinig. Matagal na walang nagsasalita sa aming dalawa.

I know I made the decision to tell Chance about the kids bago pa gumawa ng kung ano na namang kababalaghan si Papa. But I did not think about how am I going to do that. I am scared he will get mad at me. Or worst, baka iwan niya ako. Baka talikuran niya ako katulad ng pagtalikod niya sa akin noon.

I shook my head. No. He won't do that. Everything is just a misunderstanding. I know I need to find the answers, but I can't ask Chance. He's too involved. Hindi ko rin matatanong ang mga magulang ko dahil alam kong hindi naman nila sasabihin ang totoo. May nangyayari ngayon, pero hindi ko lang alam kung ano iyon.

"Daphne!"

Bumalik lang ako sa huwisyo noong mapansin kong ilang beses na akong tinatawag ni Faith sa kabilang linya. Napanguso na lamang ako at nagpaalam sa kanya.

Agad akong tumayo at iniligpit ang aking laptop. Nagbihis lang ako at lumabas para maglakad lakad. Chance is away. Umuwi daw siya sa bahay ng kaniyang mga magulang. He will be back before dinner naman.

Pumunta ako sa bookstore at nangalkal ng mga libro doon. Ilang araw na rin magmula noong huli akong nagbasa. The past few days are a whirlwhind of stress for me. iba ang sinasabi ng kaliwa ko sa aking kanan. Nakakalito na at hindi ko alam kung ano ba dapat ang paniwalaan. At natatakot ako na baka mali ang paniniwalaan ko at ang iisipin kong kasinungalingan ay ang totoo at tama.

Kinuha ko ang libro ni Jane Austen, ang Pride and Prejudice bago iyon binuklat ng ilang ulit. Nabasa ko na ang libro, ilang beses na rin noon. Kapag nasa ospital ako at walang magawa ay ang libro lamang na ito ang pinagkakaabalahan ko. This is my only companion at that time.

But now, I have Chance.

"I told you I don't like that book!"

Napatingin ako sa couple na nag-aaway sa isang libro. Nakanguso lamang ang lalaki at tahimik na pinanonood ang pagsusungit ng kanyang girlfriend. Napangiti na lamang ako at napailing sa kanilang dalawa. They look so in love. Katulad noong mga couples na nililitratuhan ko kapag ikinakasal? The two of them has that certain glow too.

"Anong gusto mong basahin Diamond? Binaligtad mo na yata yung buong bookstore eh." Sagot noong lalaki. Sumilip ako ng kaunti at pinanood pa rin sila.

"Hindi ko alam." The girl pouted. Natawa ako ng kaunti sa itsura niya. Oh, she looks so adorable.

"Paano tayo matatapos kung hindi mo alam?" tanong noong boyfriend niya. Bakas sa boses niya ang iritasyon na pilit niyang itinatago. Tinitigan ko ang lalaking nakakunot na ang noo. Gosh. Hanggang dito ay naalala ko si Chance. Habang nakatingin sa lalaki ay naiisip ko ang mukha ni Chance kapag siya naman ang kumukunot ang noo.

"Galit ka na niyan Colton?" masungit na tanong noong babae.

"Diamond naman.." sumusukong sabi noong lalaki. Tinalikuran siya noong babae at lumabas ng bookstore. Napabuntong hininga na lang ang lalaki at sumunod sa kanya. Pinanood ko silang naghabulan sa daan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila.

Kinuha ko ulit ang libro at lumipat sa shelf kung saan sila nakatayo kanina. Aabutin ko na sana ang isang libro noong may naapakan ako sa sahig. Pinulot ko iyon at napansin na kwintas iyon. Tinitigan ko ang necklace at binaligtad.

For Diamond

Tiningnan ko ang pintuan na dinaanan noong couple kanina. Sa pagkakaalala ko ay Diamond ang pangalan noong girl. Baka sa kanya ito?

Agad kong inilagay sa bag ko iyong kwintas at binayaran na ang libro. Matapos niyon ay lumabas na ako para tumingin sa ibang bookstores na meron sa street. Nasa harapan ako ng Starbucks noong tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong kinuha at sinagot.

"Hello?"

"Nasaan ka?" bungad ni Chance sa akin. Napangiti ako ng marinig ko ang simangot sa boses niya. Nagsusungit na naman yata?

"Bumibili ako ng libro." Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko na lamang noong hindi agad siya nagsalita. May kumaluskos sa kabilang linya. Iilang mga boses ang naririnig ko pero nawala ang mga iyon noong tumunog ang pagsara ng pintuan.

"Hindi ko pa alam. But I'll go home for dinner."

"Okay. Ingat ka ha?" anas ko. Napangiti ako sa nasabi ko. It did not sound strange trying to be caring for Chance. It felt natural. Kahit papaano ay nasasanay na ako na alagaan siya.

"You take care too." Aniya. Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. Matagal walang nagsalita sa aming dalawa. Ako na ang bumasag sa katahimikan at sabay naming ibinaba ang tawag.

I missed him. Wala pang isang araw na nagkakahiwalay kami ay miss ko na agad siya. parating may kulang sa akin kapag wala si Chance sa tabi ko. Gosh! Daphne! You sound so clingy!

And there is the matter with the kids. Hindi ako makahanap ng perpketong tyempo para sabihin kay Chance ang tungkol sa kanila. I am scared of his reaction. Natatakot akong baka magalit siya sa akin kapag nalaman niya ang tungkol sa kambal.

I just shook my head against the thought. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako sa McDo. Kumalam ang sikmura ko sabay ng paglanghap ko sa pagkain. Pumasok ako roon at luminga para mapatigil lamang noong makita ko ang couple na nakapila rin sa counter.

"Gusto ko nga ng fries!" sabi noong babae. Ngumiwi iyong lalaki at umiling.

"That's too oily Di."

"I don't care." Nag-pout pa ito at umiwas ng tingin sa kanyang boyfriend. Tumama ang mata niya sa akin at agad siyang namutla. Nalaglag ang panga niya na para bang nakakita siya ng isang multo.

"Diamond? Ipapa-upsize ba natin?" tanong noong kasama niya pero annatiling nakapako ang mata ni Diamond sa akin. Pumatak ang isang luha sa mata niya bago lumapit sa akin.

"Uhm." Nagtataka kong sabi. Nilingon ko ang kasama niyang walang kamalay malay sa nangyayari.

"You're back." bulong niya sa akin habang tinitingnan ako. Noong nasa harapan ko na siya ay agad niya akong hinila at niyakap.

"Oh god!" humagulgol siya sa balikat ko at naalarma na ako. Humarap ang kasama niya sa amin at tiningnan kaming dalawa. Katulad ni Diamond ay gulat rin ang ekspresyon niya noong makita ako.

"Anong..excuse me. Naiwan mo yung kwintas mo." Simple kong sabi habang pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sa akin para magkausap kami ng maayos. Lumayo siya at pinunasan ang luha niya sa mukha.

"You bitch! Saan ka ba napunta?" sigaw niya sa akin. Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang likuran ko. Ako ba ang kausap niya?

"Bigla ka na lang nawala Daphne." Ang lalaki naman ang nagsalita. Napanganga ako ng banggitin niya ang pangalan ko. He knows me? They know me?

"For two years!" nabasag ang boses niya bago nagpatuloy. "Ano bang nasa isip mo at biglaan ka na lang umalis ha? Iniwan mo si Chance!" dagdag niya.

Sa lahat ng gulo sa usapan namin ay iisa lang ang naintindihan ko.

She said I left Chance. Pero ang sabi ni Papa ako ang iniwan ni Chance.

Alin ba ang totoo?

--------------------------

*pen<310

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon