SIXTEEN
Para akong sinabugan ng bomba sa sinabi ni Adam Samaniego. Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. All I know is that Chance is in a grave danger. And that he needs me.
Naramdaman ko ang paghawak ni Sir Adam sa kamay ko. Doon ko pa lang napansin na umiiyak na ako at todo na ang panginginig ko. Pilit siyang ngumiti sa akin bago niya tinutukan ang daan.
"Ayos po ba siya?" tanong ko. Huminga ito ng malalim.
"I don't know. Wala pa akong nakukuhang report." Aniya. Kinagat ko na lamang ang labi ko. Noong makarating kami sa ospital ay punong puno ng media at mga pulis. Mabilis naman kaming nakapasok dala na nga rin na si Adam Samaniego ang kasama ko. Patakbong nagtanong si Sir Adam sa mga naroon bago ako nilapitan.
"Si Chance po?" nanginginig ko ng tanong. Hinubad ni Sir Adam ang coat niya at pinaupo ako sa bench roon.
"Wala pa sila." Napahilamos siya ng mukha at yumuko na lamang. Tahimik lamang akong nagdadasal habang nakatingin sa entrance, o di kaya'y sa emergency room.
Did I do something wrong in my past life? Bakit hindi namin maabot ni Chance ang finish line ha? Ang damot naman ng tadhana. Bakit puro na lang problema ha?
Napapikit ako ng mariin. Noong dumilat ako ay nakita ko si Alhannah Samaniego na patakbong lumalapit sa amin. Agad tumayo si Sir Adam at niyakap ang asawa.
"Where is he? Adam!" umiiyak nitong sabi. Inalo siya ni Sir at pinaupo rin. Umiiyak ito sa tabi ko kaya tumayo na lamang ako. Hindi ko kayang pakinggan ang iyak niya. Pakiramdam ko ay lalong nanunuot ang takot sa akin sa bawat hikbi ni Ma'am Hannah.
"Excuse po." Paalam ko bago tumayo at pumunta sa chapel. Umupo ako sa may pinakaharap at doon na lamang nagdasal.
Sana po ligtas siya. Sana po ayos lang siya. Nakikiusap ako. Sana naman, pagkatapos ng pinagdaanan namin ngayon ay magiging ayos na ang lahat. Bigyan niyo naman kami ng pagkakataong maging masayang dalawa. Tama na po. Kota na kayo Lord eh. Sobra na yung pinagdaanan namin.
Pinunasan ko ang luha ko at umupo lamang roon. Natatakot talaga ako. Natatakot ako na baka hindi siya dumating. Pero mas natatakot akong baka dumating siya rito sa ospital pero hindi ko na siya magagawang kausapin ulit. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi niya pa nakikilala ang kambal. Hindi ko pa naalala ang lahat.
"Panyo."
Napatingin ako sa dalagang nagaabot sa akin ng panyo. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang laylayan ng kanyang damit. Kinuha ko ang panyo niya at pinunasan ko ang luha na nasa pisngi ko.
"Anong problema?" tanong niya. Suminghot muna ako at umiling.
"Nawawala.." bahagyang nabasag ang boses ko. "Nawawala ang asawa ko." sagot ko. Tiningnan niya ako bago ngumiti.
"Hindi pa naman pala patay. Bakit ka umiiyak? Anong mali doon?"
Hindi ko napigilan ang pagkulo ng dugo ko. "Nawawala ang asawa ko. Hindi ko alam kung nasaan siya! Hindi ko alam kung ligtas siya o kung may nangyari na sa kanya! Tinatanong mo ako kung anong mali?! Siya!" sabi ko sabay turo sa krus ng simbahan. Tinitigan ko iyon. "Ang damot niya. Masyado niya kaming pinapahirapang dalawa ni Chance." Piyok kong sabi. Binalik ko ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa tabi ko.
"Alam mo ba kung paano nadedevelop ang isang picture?" tanong niya sa akin. Natawa ako ng pagak. Of course alam ko. Photographer ako. Pero walang koneksyon ang sinasabi niya sa ipinunto ko kanina. Sinasayang lang niya ang oras ko--
"May negative at positive hindi ba? Kukunin mo ang negative mula sa film. Sasalain mo, tapos papainitan tapos sasalain mo ulit tapos papainitan. Paulit ulit ano? Nakakapagod. Isipin mo pa lang nakakairita na kasi parang walang katapusan."
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...