I'm Drunk

92.5K 2K 57
                                    

APAT

"One, two,three." Bilang ko bago ko kinuhanan ang bagong kasal. I smiled at the two of them before getting another shots. Hindi ko mapigilan ang mapangiti rin sa tuwing magkakatinginan silang dalawa. Love is overflowing whenever they look at each other. Hindi ko mapigilang hindi maiinggit sa babae. She's very lucky to have a man like her groom.

Kahit naman kasi hindi ko talaga sila kilala, one look at them and you will know that they were deeply inlove. The groom can't take his eyes of his bride. Para bang isang pitik mo lang ay mawawala ito at takot ang lalaki na mangyari iyon. He has his arms wrapped around his woman.

Sana ako rin. I hope someone can also love me that way.

Inayos ko ang pagkakazoom ng DSLR ko at kinuhanan sila. The guy sept the girl at her feet before kissing her. Napatili ang mga nasa likod ko habang pinapanood silang dalawa. Ako naman ay ngiting ngiti na sa nakikita.

"Thank you." The bride told me. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Wala yun." Sabi ko na lang at niyakap siya pabalik. Humiwalay siya sa akin at nakita kong napasimangot siya ng matingnan niya ang groom niya.

"Miss ka na yata." Tukso ko na lang habang nililigpit ko ang tripod ko. Napatawa na lang siya sa sinabi ko. She's glowing with so much happiness habang tinitingnan rin ang groom niya.

"Bagay kayong dalawa." Biglaan ko na lang nasabi. Agad siyang pinamulahan ng pisngi sa narinig.

"Salamat." Kimi niyang sagot. Inilagay ko ang camera ko sa bag ko bago tiningnan ulit ang groom niya.

"You're really lucky to have him. Bihira lang ang babaeng nakakahanap ng isang katulad niya." Sabi ko. The girl behind me chuckled and nodded at the same time.

"Tama ka. Alam mo, maswerte ako because Lay chose me. Ang daming babae, pero ako ang pinili niya. You know what, mahirap pinagdaanan naming dalawa, but at the end, it was all worth it. Ang tindi niya magmahal. Wala ka ng hahanapin." Pagkekwent niya. I just stared at her habang inaabsorb ko ang mga sinasabi niya.

She's right. That kind of love is really one of a kind.

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya bago umiling.

"Still waiting." Natatawa kong sabi. Inakay niya ako paupo at hinawakan ang kamay ko.

"Darating din siya. Tiwala lang. You will find that guy." Madamdamin niyang sabi. Tumango na lang ako sa sinabi niya. She smiled at me before looking down at her ring.

Tiningnan ko iyon. My eyes narrowed at a certain word engraved on the ring.

'ALWAYS'

Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang pakiramdam ko dahil sa salitang iyon. Kinagat ko ang labi ko dahil pamilyar sa akin ang salitang iyon. Hindi ko alam kung saan, pero alam kong iilang beses ko ng narinig iyon.

"Ace! Let's go." Lumapit sa kanya ang groom nito at hinawakan siya sa braso. Doon lamang natanggal ang titig ko sa singsing ng bride.

"Bye." Paalam nito. Tumango lang ang groom niya sa akin at sabay na silang umalis. Tumayo na rin ako at kinuha ang mga gamit ko para umalis na rin.

-------------------------------------

Umuwi na ako sa apartment ko at dinevelop na ang mga litrato na nakuhanan ko. I sat at the chair, waiting for the pictures to finish ng mabore ako. It's getting lonely being alone in my apartment. Wala rin naman akong kakilala dito sa Palawan and eventhough I want to befriend someone, nauunahan naman ako ng hiya.

I opened my balcony and just watched the sunset. Napangiti ako habang pinapanood ang paglubog ng araw ng maalala ko ang binata na kumuha sa bag ko. He was also staring at the sun then, pero malungkot siya. I don't know why, but I felt the pain he might be feeling then.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon