Sky and Faith

90.8K 2.1K 219
                                    

TATLO

Nakakainis! Kung alam ko lang na ganitong klaseng tao ang nasa Pilipinas, hindi na sana ako nagpumilit pang pumunta dito. Naiirita ako sa lalaking iyon. Napaka--aaargh! Ang yabang niya. Napakaantipatiko. Sa lahat ng ibibintang sa akin, isang magnanakaw pa ang sasabihin niya?

Dad's right. Hindi na dapat ako nagpumilit na bumalik dito. Kung hindi lang talaga matindi ang kagustuhan kong makapunta sa Pilipinas, uuwi na ako ngayon. I hope, yung lalaking iyon ay nag-iisa lang at wala ng katulad. He is so annoying.

Kinuha ko ang bag ko at agad na akong naglakad palabas. I gasped  when I saw the scenery of Palawan. Marami nang nagsabi sa akin na maganda dito, but I never thought that it will be this beautiful. Lush green trees, breathtaking sites. Wala ka ng hahanapin sa Palawan.

Maybe I am exaggerating. Dalawang taon rin naman kasi akong nakulong sa loob ng ospital. Pakiramdam ko ay malaki ang nawala sa akin because of those two years. And now, I will make sure I will have the best experience of my life.

Isa pa, may kailangan pa akong hanapin dito. Para na akong baliw. I am not even sure if he is at the Philippines. Naghinala lang naman ako dahil pinipigilan ako nila Daddy na umuwi ng Pilipinas. Kaya siguro malakas ang hatak ng bansa na ito sa akin. Gut feel, I know he is here.

Naglakad ako papunta sa sakayan. I should start looking for a hotel tapos ay maghahanap na rin ako ng pwedeng part time job. Siguro naman maraming kumukuha ng photographer dito dala na rin ng dami ng turista sa Palawan.

Binuksan ko ang bag ko and started looking for my cam. Ganun na lang ang pagtataka ko ng makita kong puro ripped jeans at accessories na hindi naman akin ang laman ng bag. Umupo ako sa waiting shed at inilabas lahat ng gamit.

"Waaaah!" napasigaw ako ng marealize kong hindi akin ang mga iyon. Halos baligtarin ko na ang bag at wala akong nakitang kahit na anong bakas ng SLR ko. Ilang beses akong pumadyak bago ko natanggap sa sarili ko na hindi nga ito ang bag ko. Magkamukha kasi sila kaya--

The guy! Baka sa kanya nga ito.

Agad akong tumayo sa naisip at patakbong bumalik sa airport para hanapin iyon. Bumalik ako sa bench pero wala na siya. Nilibot ko ang buong airport at ganun na lang ang panlulumo ko ng malaman kong wala na doon ang lalaki. Napaupo ako sa isang bench at binuksan ulit ang bag. Kinalkal ko iyon at muntik na akong mapasigaw ng makita ko ang isang ID doon.

Gracielle Viola Theresa Samaniego

Binaligtad ko ang ID para sa contact number. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko para tawagan iyon.  I waited for someone to answer pero cannot be reached ito. Napasalampak na lang ako sa upuan ko bago ko ginulo ang buhok ko. Wala akong choice. I should buy a new camera.

---------------------------------------

Dala dala ang bagong camera ko, pumunta ako sa isang travel and tourist agency doon. Nagtanong ako kung nangangailangan sila ng photographer para sa agency nila. Ipinakita ko ang portfolio ko sa kanila. Kumuha ng card ang secretary at may isinulat doon.

"Can you do the photoshoot for this band? Sila kasi ang kakanta ng promotional song para sa Palawan. This is the time and place." Sabi nito sa akin. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. May dalawang oras pa ako para maghanap ng hotel na tutulyan bago ang photoshoot.

Naglakad lakad lang ako sa beach habang kumukuha na ng litrato ng mapatigil ako sa nakita. Nanlaki ang mata ko. Tinanggal ko pa ang shades ko para masigurong siya nga iyon. Yung lalaking nakita ko kanina sa airport, nakaupo sa isang bato at pinapanood ang araw. Naglakad na ako sa kanya palapit ng mapatigil ako ng matitigan ko siya.

Malayo ang tingin niya at mukhang malungkot siya habang nakatitig sa araw. Hindi ko napigilan ang sarili ko ng kinuha ko ang camera ko para kuhanan siya ng litrato. Nakailang frames din ako bago ako nagpasyang tingnan ang mga kuha ko.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon