WALO
"And then what?" kinikilig na tanong ni Faith sa facetime. Napailing iling na lang ako. Tatlong beses ko ng nikwento sa kanya ang buong date namin ni Chance pero pinauulit lang niya ulit. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kaibigan ko.
"Daphne! Wag mo akong tawanan." Maktol nito. Ngumuso siya at tinitigan ako.
"Wala ka bang pasyente?" tanong ko sa pag-asang maalis ko ang atensyon niya kay Chance. Tiningnan niya ang relo niya.
"Wala. Break namin eh." Sabi niya. Tumango na lang ako at nagtanong kung kumusta ang kambal ko. Ngumisi si Faith sa kabilang linya.
"Oh my gee. Kapag nakita mo yung kambal, mamangha ka. Ang lalaki na nila." Kumikinang ang mata niya noong sinabi niya iyon. Hindi ko mapigilang hindi masabik sa mga bata.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa tungkol sa mga bata. Naputol lamang iyon ng may isang pasyente na isinugod sa OR at kinailangan na si Faith roon. Ako naman ay dumiretsyo na sa higaan at tinangka ng matulog.
Ilang beses na akong bumiling sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nasa isip ko pa rin ang kwento ni Chance. Nakakatawa. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung gawa gawa lang ba ng mayabang na lalaking iyon ang kwentong iyon. Nakakabitin. Pakiramdam ko ay alam ko na ang susunod na mangyayari, pero gusto ko pa ring marinig iyon mismo kay Chance.
I knoe my curiosity will win. Hindi naman siguro masama kung sasama ulit ako. One date won't harm,right?
--------------------------------------------
Tiningnan ko ulit ang orasan sa wrist watch ko bago napabuga muli ng hangin. Halos kalahating oras na akong nakatayo sa harap ng cafe shop na pinagusapan namin at hanggang ngayon ay wala pa rin ang antipatikong, mayabang na iyon. Uminom akong muli sa kape ko. Limang minuto pa. Kapag hindi pa diya dumating, bahala na siya.
"Hello."
Tiningala ko ang isang lalaking malaki ang ngisi sa harapan ko. Kinuha niya ang upuan sa harap ko at umupo roon. Ngumiti ito sa akin at nakita ko ang ngipin niyang may ginto. Napaismid na lamang ako noong kindatan niya ako.
"24 karat. Kinang diba? I'm Ginto by the way." pakilala niya sa sarili niya. Hindi ko siya pinansin. Hindi man lang yata ito nakaramdam. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit obvious naman na hindi ako nakikinig. Gosh Daphne, this is so not your day.
Tiningnan ko ulit ang relo ko. Tapos na ang limang minuto na palugit ko. Tatayo na sana ako noong hawakan ng lalaki ang braso.
"Leaving so soon?" nakangisi nitong sabi. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero humihigpit lamang ang hawak niya.
"Aalis na ako." madiin kong sabi. Sinubukan ko ulit makalas ang kamay niyang hawak ako pero hindi ito natinag. Lalo lang lumaki ang ngisi niya.
Magsasalita pa sana ako noong may umakbay sa aking balikat. Napasinghap ako sa takot pero agad din iyong nawala noong si Chance ang nakita ko.
"Hoy, ikaw! Get your hands off her." mayabang ring sabi nito. Hindi ko napigilan ang pagikot ng mata ko. Yabang nitong lalaking ito. Pasalamat siya, gwapo siya! Ay Daphne naman! Naisip mo pa yan ngayon?
"Why? Nauna ako dito!" ganti noong lalaki. Humalakhak ito at lalo lamang nakita ang ginintuan niyang ngipin. Hinila nito ang brasong hanggang ngayon ay hawak niya. Muntik pa akong mapatili noong nabangga ako sa dibdib noong lalaki. Nilingon ko si Chance na nakatayo lamang doon at ealang ginagawa.
Sabi ko na nga ba. Yabang lang talaga itong meron ang lalaking ito.
Humakbang si Chance palapit sa kanya. Hinawakan nito ang baba ng lalaki at marahan itong tinapik sa pisngi. Nanlaki ang mata ko dahil mukha silang maghahalikang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...