SIXTEEN
"Breathe in Daphne." Diamond instructed habang sinasara niya ang zipper ng gown ko. I took in a deep breath at sinunod ang inuutos niya sa akin.
"Next!" Naya happily said habang itinataas naman niya ang belo. Kinuha ni Diamond iyon at inilagay sa buhok ko. Inayos niya ang mga kulot na kusang nakalaglag bago ako tiningnan ng mabuti. She blinked back her tears habang nakatingin sa akin.
Today is the day the fish and the bird will have their own version of forever. Ma'am Hannah was able to pull some tricks under her sleeves. Iba talaga ang impluwensya ng isang Samaniego. Nakaya niyang makagawa ng paraan para mangyari ang kasal naming dalawa ni Chance sa lalong madaling panahon. I don't have much time left. Dyllan said my condition is getting worse and the time left for me is getting smaller. I only have nine months to live.
Chance was persistent. Kung sino sino na ang kinausap niya para lamang makahanap ng kahit na anong paraan para magamot ako. Dyllan wanted to talk to him but now, my doctor is at Canada. Ang research niya tungkol sa posibleng makagamot sa akin ay kasalukuyan niyang tinatapos sa isang med school doon. Hindi pa sila nagkikitang dalawa.
Ayoko ng magkita silang dalawa. Madadagdagan lang ang bigat sa dibdib ni Chance kapag hindi gumana ang research ni Dyllan. I'm incurable. Wala na akong pag-asa at ayaw ko ng paasahin ang mga tao sa paligid ko. Tama ng nasasaktan sila dahil sa kalagayan ko. Ayaw ko ng dumagdag pa at magkapatong patong lahat ng sakit na mararamdaman nila kapag dumating na ang panahon na kailangan ko ng umalis at iwan sila.
Trully, my life is short lived. I'll die before turning 24. I only had twenty three years here on earth. Pero wala akong pinagsisisihan at wala akong pagsisisihan hanggang sa huling segundo ng dalawampu't tatlong taon ko. Every minute, every seconds I spent, every sweet memories I had, whether it is short or not, are my little versions of forever.
Life is not about how long have you stayed alive or how great your accomplishments are. Life is living happily eventhough you know that there is a huge possibilty that maybe today is your last day on earth.
Maybe my fairytale will not end with the famous "and they lived happily ever after" because I know ever after is not possible for me. But it is possible for Chance.
So later, when I will have my walk along the altar, I'll pray dearly, to give Chance the happily ever after and the forever he deserves---eventhough that forever doesn't include me.
"You're my bestest best friend Daph. At masaya akong masaya ka na." naluluhang sabi ni Diamond. I smiled and hugged her tightly.
"Thank you for everything Diamond." I whispered. Suminghot siya bago ako niyakap ng mas mahigpit.
"Kung makapagsalita ka parang mawawala ka na." she hissed. Tumawa lang ako. I was about to answer her when Ma'am Hannah entered the room. Lumapit siya sa akin at inayos ang maliit na pearl pin na nagkakabit sa belo ko.
"Ready?" she asked me. Tumango ako. She took my veil para ibaba at takpan ang mukha ko. Inalalayan na nila ako para makalabas na sa cottage at dumiretsyo sa simabahan dito sa Siargao.
Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang hindi kabahan. My hands were shaking and I don't even know why. Hindi ko alam kung ano ba ang kinatatakutan ko. Pinagpapawisan ako.ng malamig at balisa ako habang papunta kamo sa simbahan. I kept on fidgeting ng hawakan ni Ma'am Hannah ang kamay ko.
"Wag kang kabahan. You'll marry a Samaniego so calm down." sabi niya sa akin habang nakangiti. Tumango ako and sighed. I hope my parents are here. Pero nasa ibang bansa sila ngayon at hindi ko na ipinaalam ang pagpapakasal.ko dahil pahahabain lang ng Dad ang usapan. I'll tell him about my marriage the moment I am already married. Para kahit tumutol siya ay wala na siyang magagawa dahil nakatali na ako kay Chance.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...