One Year

208K 3K 78
                                    

ONE

 

 

 

 

 

"Babe.."

Tinapon ako ang sigarilyo ko ng maramdaman ko ang yakap sa likuran ko. I didn't even bother to face her. Nakatingin lang ako sa kawalan dito sa taas ng penthouse ko.

"Come back to bed now Chance." She said. Hinalikan niya ang leeg ko pero hindi ako gumalaw. Gigil kong pinilipit ang barandilya ng terrace. Naiinis pa rin ako sa nangyari kagabi sa bahay.

Why the fuck was she there? Bakit kailangan niya pang magpakita ulit sa akin? Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa niya sa akin noon sa Siargao at gusto niya pang dagdagan? Huminga lang ako ng malalim at hinarap ang babaeng nasa likod ko.

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni..

 

"What's your name again?" I asked her. Napatigil ito sa tangkang pagsunod sa akin at napanganga siya. She flipped her hair and laughed as if what I said was a joke.

"You're funny."

 

 

"Go now."

"Are you asking me to get lost?" tumigil na siya sa pagtawa at tiningnan na ako.

 

"Yes." Nag-isang linya ang labi niya sa sobrang galit sa akin. She took her stilettos at malakas na ibinato sa akin iyon pero nakaiwas ako. Maybe, years of training in military made my reflexes adept. Lalo lang siyang nainis dahil hindi ako tinamaan.

 

"You jerk!"

Hindi ko na siya sinagot. Tumalikod na lang ako and let her blabber behind me. Agad akong nagbihis because I have an appointment with the great Adam Samaniego. Sinuot ko na ang helmet ko and drove to my father's agency.

I don't know what happened to me. I became two different person at the same time. Para bang isa na akong switch na automatic na magpapalit ng katauhan depending on the people I am with. Kapag nasa agency ako, I am as hard as stone and as cold as an ice. Pero kapag kaharap ko ang pamilya ko, I become the happy-go-lucky bastard na laging nakangiti. Whenever I am with my family, hindi ko kayang ipakita kung gaano ako kamiserable. Lahat kasi sila masaya. Lahat sila kuntento. Except for me.

Ayokong malaman nila na hanggang ngayon, marami pa rin akong sira. Ayokong kaawaan nila ako. Kaya nga lumayo ako sa kanila para hindi ko na kailanganin pang magpanggap na masaya na ako. Na masaya ako kahit na sinira niya ako.

I hate it. I hate seeing my parents happy with each other. Naiinis akong makita na sapat na si Papa kay Mama. Naiinis akong makita kapag masaya si Sandro at Phoebe. Naiinis ako sa lahat ng mga Montreal. Naiinis ako kasi pakiramdam ko ang unfair. Bakit ako lang ang hindi masaya?

I became two faced. Isang nagpapanggap na masaya. Isang kinakain ng lungkot. My life sucks.

Agad akong pumasok sa agency. I didn't even bother to park my motor. People greeted me but I just ignored them. Pagkapasok ko sa elevator ay pinasara ko iyon. Hindi ko na inisip ang ibang empleyado ni Dad na naghihintay para makasakay rin.

His secretary greeted me at inakay na ako papasok. Binuksan ko ang pintuan and saw my mother giving my Dad a coffee.

"Chance." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I hugged her back. pinilit kong ngumiti sa harapan nilang dalawa.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon