Payments And Revenge

132K 2.5K 183
                                    

FIVE

"Pasok ka Daphne." Nakangiting sabi ni Tita Hannah sa akin. I smiled at her at pumasok na sa bahay ng mga Samaniego. I looked at Tita Hannah na sinalubong ni Tito Adam. Napangiti ako when I saw Tito kissed Tita at her hair.

Chance told me then, his parents are the living proof that love still exists. I was idealistic then. Hindi ako naniniwala that things inside a book will never be real in reality. But he came and he taught me things that I didn't even believe then.

"Sa kitchen tayo Daphne." Tawag sa akin ni Tita. Sumunod ako dito. I gasped ng makita ko kung gaano kagulo ang kusina ni Tita. Alam kong hopeless case na si Tita Hannah sa pagluluto, pero hindi ko inisip na ganito na pala siya kalala.

"Pasensya ka na ha? Nagmamadali na kasi ako kasi may pasok pa si Colton at si Chance." Nahihiyang sabi ni Tita.

"Ayos lang po."

Tinitigan ako ni Tita. Napakurap kurap naman ako sa klase ng titig niya. She may have realized it kaya agad siyang tumalikod at kinuha ang basahan para magpunas. Tumulong na rin ako at kumuha ng ingredients para makapagluto na.

"May plano ka na ba sa kasal ninyo Daphne?"

"Hindi ko pa po nakakausap si Chance tungkol diyan Tita." Sabi ko na lang. Siguro nga pumayag si Chance na makasal sa akin, but we never talked about it yet. Hindi na rin naman ako humihingi ng magarang engagement party. Alam kong wala akong karapatan para umasa na magiging sweet si Chance sa akin. Hindi naman niya gustong makasal sa akin at the first place.

Humarap sa akin si Tita Hannah na may hawak na itlog bago ngumiti.

"Hindi kita gusto para sa anak ko Daphne."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Ilang beses akong huminga ng malalim dahil baka nagbibiro lang siya.

"Tita.."

"Yes, I know, noong mga panahong wala kami sa tabi niya, ikaw ang nandiyan para sa kanya. When Christine died, ikaw ang sumalo sa kanya. But you broke him. And I will never forgive you for that. Ayoko ng masaktan ang anak ko Daphne Araneta. He is a Samaniego. Nobody deserves the chance to hurt him."

Napayuko ako sa sinabi nito. Huminga ako ng malalim lalo pa't naramdaman ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"I don't care whatever reasons you have kaya mo siya iniwan. Wala rin akong pakialam kung bakit ka bumalik. Marami pang babae diyan sa paligid ni Christian." Sumandal na ito sa lababo at tumingin sa akin with those piercing black eyes.

"But we only fall inlove once Daphne.."

Tiningnan ko na siya. malungkot itong nakangiti na para bang may inaalalang mapait na pangyayari sa buhay niya.

"Alam mo ba kung anong kapalit kapag sinira mo ang puso ng isang Montreal Daphne?" mahina niyang tanong sa akin. Umiling ako kaya siya ngumiti.

"You have to pay with your heart. That is the revenge of a Montreal." Maarte niyang sabi. Nilaro niya ang kulot niyang buhok bago ako nilapitan.

"Ayaw ko sayo dahil sinaktan mo ang anak ko. Pero kung ikaw lang din ang makakapagpasaya sa kanya, kung ikaw lang din naman yung may kayang ibalik ang Chance ko, then pwede na kitang pagtiisan. May magagawa pa ba ako kung ikaw na yung napili?"

Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa sinabi nito. She smiled tenderly before hugging me.

----------------------------------------------------------

"Po?" nilapag ko ang waffles sa lamesa. Tita nodded at me bago nginuso ang hagdanan nila.

"Call him. Gisingin mo na siya."

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon