Wishes And Smiles

127K 2.3K 87
                                    

SEVEN

Memories. Yun ang nagiging rason kung bakit mahirap lumimot. Kaya kong mawala ang lahat sa akin, wag lang ang mga alaala ko na kasama ko si Chance. The days we had in Siargao are the best days of my life, and even death would not take my memories away from me. Gusto kong maranasan kung paano ba mahalin ni Chance.  All I want is to have another set of memories with him. Gusto ko lang ulit maranasan lahat ng naranasan ko noong nasa Siargao kami. I wanted to feel how it is when you're with Chance.

Isang taon. I only have a year to be with him again.. and to have new memories with him.

"What were you thinking?" Diamond asked me. Hindi ko pala alam na napatitig na ako sa salamin habang inaayusan niya ako. Tonight is my engagement party.

 

"Things."

Binaba niya ang suklay bago tumitig sa akin. She sat infront of me and smiled weakly.

"You and Christian will meet halfway Daphne. Alam kong magagawa ka niyang mahalin ulit." She caressed my hair while saying that.

 

"I hope so Diamond. I just want to see him happy again." Sagot ko. Huminga ito ng malalim bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Mabuti na lamang at nandito si Diamond. She sacrificed a lot for me, even to the extent of leaving behind someone she loves so much para lamang matulungan ako noong mga panahong kailangan ko ng makakapitan. I know she's worried, but I want to see Chance smiling again. Ayaw ko ng makita na nagpapanggap lang si Chance na masaya habang ang pamilya niya, totoong maligaya.

 

"He hates me.."

"Yes. I can definitely see that. Pero may isa pa akong nakikita Daphne." Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako dito. Kumurap lang siya habang kinuha ang extension para sa buhok ko.

 

"He loves you at the same time. And I am sure of that."

------------------------------------------------------------------------

I almost jumped out of my seat when the doorbell rang. Nagmamadali si Diamond na nagbukas niyon. My heart was beating so fast dahil narito na si---

"Hindi daw makakarating si Chance para sunduin ka." Padabog na sabi ni Diamond habang bumabalik sa sala. Tiningnan ko ang nasa likuran niya and saw Colton behind her. Ngumiti ito sa akin.

"Hey Daph." Bati sa akin ni Colton at tinaas niya pa ang kamay niya. I waved at him.

 

"May inasikasong importante si Chance. Pero hahabol siya sa engagement."

 

"May mas importante pa kesa sa engagement ng kapatid mo sa bestfriend ko?" Diamond glared at Colton habang ipinagdikdikan pa niya ang salitang mas. Tiningnan naman siya nito.

"You talk as if you're Chance's fiancée. Ang ingay mo." Inis na sagot ni Colton.

 

"I have all the rights to be loud! Aba! Just tell me if that asshole guy you call brother will just make fun of my bestfriend! Palibhasa kasi.."

 

"Palibhasa ano Diamond?" paghamon ni Colton dito. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. I silently shook my head in disbelief.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon