FOURTEEN
What lies between life and death? Ang tagal ko ng hinahanap ang sagot sa sarili ko. I spent four years looking for the answer. Seeking for something that might actually help me fight this disease. Something that would give me hope. That someday I would be cured.
But I now know that it is a false hope. Hindi ako sumusuko. Pero hindi na rin ako umaasa. Sa puntong ito, gusto ko na lang maramdaman na wala akong sakit at tulad pa rin ako ng dati. Tao lang ako, napapagod din. Especially when everything that we have tried didn't work. Tanggap ko na. I have long embraced the fact that I am at the finish line.
Pero masakit pa rin kasi eh. Hindi para sa akin pero para sa mga taong mahalaga at mahal ko. I would die, and that would be the end. But the people that are left behind, anong mangyayari sa kanila? Paano na lang sila? Mabubuhay sila ng may sakit sa dibdib nila dahil sa pagkawala ko. It is possible to live in pain, I know that. I don't want my loved ones to live that kind of life. Gusto kong maging masaya sila. Gusto kong mabuhay sila ng puno ng saya. I want them to do the things I wasn't able to do.
I kept staring at my wallpaper of my phone. Well, actually, it is a collage. Mga litrato ni Chance mula noong nasa Siargao kami hanggang ngayong nagkita kaming muli. There's a picture of him smiling, goofing, frowning, thinking and many more. But the picture I love the most is the picture of him when he gave me that pearl necklace. When I saw him then, I've realized that I have fallen inlove with him. Loving Chance is like a time bomb. It ticks slowly, giving you a warning that you are about to fall. At kapag sumabog na, biglaan. Magugulat ka na lang na ganito mo na pala siya kamahal. Na lunod ka na and what is worse? Wala kang kahit na anong balak na umahon. Mapapahinto ka na lang dahil sa laki ng pagmamahal na nararamdaman mo na. Umaapaw. Walang katapusan.
And I wish, I do solemnly wish for an extension. Kahit kaunting panahon lang. I wanted to be with Chance. I wanted to experience that time bomb moment again..and again. And again. Hanggang sa magsawa na ang tadhana at gawin na niyang lifetime ang extension na hinihingi ko.
"Hey Love."
Napatingala ako kay Chance na nakangiting nakatingin sa akin. he wrapped me with his jacket. Tiningnan niya ako and I rolled my eyes.
"Ano?"
"Wala. Masamang tumitig?" natatawang sabi niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya. He scoffed at parang hindi makapaniwala sa inasta ko.
"Ayaw mo talagang maniwala na maganda ka?"
"Bolero ka lang talaga." Natatawang sabi ko. He laughed at inakbayan ako. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at huminga ng malalim. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.
"Maganda ka kaya Daphne. I won't fall in love with you if you're not beautiful." Dagdag niya. Hindi na ako sumagot and tried absorbing the moment. Napatingin ako sa kanya ng dumiretsyo siya ng upo at biglaan na lang akong binuhat na parang bagong kasal.
"Chance!" tili ko. Ngumisi lang siya at yumuko para halikan ako. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ano ba. Ibaba mo nga ako."
"Ayaw." Parang batang sabi niya. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakakarga sa akin. I almost rolled my eyes at him.
"You know what I like the most Daph?" tanong niya habang naglalakad papunta sa parking lot. Nakatago ang mukha ko sa dibdib niya dahil nakakahiya at ramdam kong pinagtitinginan kami ng mga tao sa parke.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...