EPILOGUE

154K 2.7K 164
                                    

EPILOGUE

There was a rule in our family, minsan lang daw magmahal ang isang Montreal.  At ang minsan naming pagkakataon, dapat naming pakaingatan. We should hold on to that one special chance, dahil kapag ang puso namin, isinuko na namin, hindi na namin makakayang bawiin pa iyon muli.

Isang beses lang ang mayroon kami. And when we fall, we fall hard, we fall fast, we fall permanently.

"Kuya?" tawag ni Chloe sa akin. Marahan ang binigay niyang katok sa pintuan bago lumapit sa akin. Suot na niya ang gown niya para sa kasal, a lavender lace empire cut dress, and it suits her. Lumabas ang tunay na ganda ng kapatid ko.

"Yes, baby?" magiliw kong sagot. Sa likod niya ay lumapit rin si Gravity sa akin. Sabay na yumakap sa akin ang dalawa.

"Nagtatanong na sina Mommy Kuya, ready ka na ba daw? Para sabay sabay na tayong pumunta sa beach." Nakangiting sabi ni Gravity. I patted both of their hair, parehong nagreklamo dahil ang mga palamuting bulaklak nila ay nagulo.

Sabay sabay kaming tatlo na lumabas ng kwarto. Si Colton ay naghihintay na sa amin. Sumalubong siya sa aming magkakapatid bago niya binuksan ang kotse. Sina Mommy ay nasa kabilang kotse kasama sina Tita Vannah.

"Kuya.." tawag ni Chloe sa akin. Nilingon ko siya, nakanguso na naman at pinapanood ang dinadaanan namin sa labas.

"Yes?"

"Why her?" inosente niyang tanong. Tiningnan ko si Colton na napangiti rin sa tanong ng bunso namin. We cannot blame her. Hindi pa nagmahal si Chloe. Hindi niya pa alam ang batas. She doesn't know the meaning of the rule yet.

I couldn't help smiling habang iniisip ko ang tanong ni Chloe. Why her? Why did I choose Daphne Araneta? Bakit sa kanya ko ibinigay ang kaisa isa kong pagkakataon para mahulog? Why her?

Gusto ko lamang magbakasyon. Napapagod na ako sa agency at alam kong malapit na naman akong matunton ni Daddy. Ayaw kong makita nila ako para pabalikin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos sa paghahanap sa sarili ko na nawala noong nawala rin si Christine.

Isa pa, Siargao is a nice place. Maganda ang dagat at talaga naman makakapagpahinga ako. This is a very good place for a soul searching to happen.

Naglakad lakad lamang ako sa dalampasigan noong may lumipad na papel sa paanan ko. Mabilis ko iyong pinulot at doon ko lamang napansin na litrato iyon. Tiningnan ko ng maigi ang litrato. Kuha iyon ng isang babae na nakatayo sa tapat ng tripod habang kinukuhanan ang paglubog ng araw. May date pa sa litrato kaya napagalaman kong ngayon lang iyon kinuhanan.

"Ang ganda diba?" biglang sabi ng isang waitress sa akin. Tiningnan ko ang name pin niya at doon may mga letra na nakasulat. Iris ang nakalagay sa tag niya.

Tumango lang ako at tiningnan ulit iyong litrato. Binaligtad ko iyon at nakakita ng isang sulat kamay. Binasa ko kaagad iyon.

'Make them believe in the photographer.' Iyon ang nakasulat. Nilingon ko ulit iyong waitress pero wala na siya. Nagkibit balikat na lamang ako at maglalakad na sana noong makita ko iyong babae sa litrato. Inaayos na niya iyong tripod niya. Nasa kabilang balikat niya nakasabit ang camera habang ang buhok niyang kulot ay hinihipan ng hangin mula sa dagat.

Napahinto ako sa paglalakad noong dumako iyong mata niya sa akin. Mabilis lamang iyon pero sapat na ang isang segundo para mayanig ng titig na iyon ang mundo ko. Hindi agad ako nakakilos. Binuhat na ng dalaga ang tripod bago tumalikod at naglakad palayo. Ako naman ay naiwan lang na nakanganga sa lugar ko habang pinapanood ang bawat hakbang niya.

Kinabukasan ay bumalik ako sa tabing dagat, inaabangan iyong babae. Ganun na lamang ang panghihinayang ko noong wala siya sa pwesto niya kahapon. Nanlumo ako kaya nagpasya na lamang akong maglakad lakad. Dinala ako ng mga paa ko sa City Library ng Siargao. Pumasok ako roon para maghanap ng babasahin noong makita ko iyong babae.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon