Unfair

91K 2.1K 82
                                    

TWELVE

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakaupo lamang sa may parke. I just can't wrap myself around the fact that there is another guy who claims to be my husband. Nalilito na ako at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Gumalaw ang swing na kinauupuan ko kaya napatingala ako. Nakita ko si Daddy na nakatayo sa likod ko. Agad kumulo ang dugo ko ng mapansin na nasa likod niya ang lalaking pinakilala niya sa akin.

"Daph.."

"I want to be alone." Madiin kong sabi. Huminga ng malalim si Daddy bago niya tiningnan si Reed sa kanyang likuran. Maya maya ay pumunta siya sa aking harapan at lumuhod roon. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan iyon ng mariin.

"Trust me Daphne. I'm your father." Nagmamakaawa niyang sabi. Lumapit sa akin ang tinatawag niyang Reed at hinawakan ang braso ko. Agad akong umiwas at napatayo na lamang.

"Alam mong hindi kita sasaktan Daphne. Tatay mo ako."

Tinitigan ko lamang siya bago huminga ng malalim. Dahan dahan kong hinilot ang ulo ko ng makaramdam ulit ng kirot mula roon.

Lumapit sa akin si Reed. "Hon. I'm sorry, iniwan kita." Anas niya. Kinagat ko lamang ang labi ko at pinakiramdaman ang sarili ko. I don't feel anything. wala akong maramdaman. I can't even say na galit ako o masaya ako na nakaharap ko siya. Hell, ni hindi ko man nga maramdaman na magkakilala kami. I don't feel the same pull I felt when I met Chance noon sa Palawan.

"Aalis na ako." Pagpapaalam ko. Humarang si Daddy sa daraanan ko at hinawakan ang dalawang braso ko.

"Secret agent siya Daphne. You're the first survivor of CE. Pupusta ako na kaya siya dikit ng dikit sayo ay dahil lamang sa trabaho niya. Si Reed ang asawa mo--"

Napapikit ako ng mariin bago umiling na lamang.

"Ewan. Hindi ko alam Dad." pagsuko ko. Bahagya ko siyang tinulak para makalayo na ng tuluyan sa kanilang dalawa. Agad akong lumayo at naglakad lakad.

Gusto kong sumigaw. I have never been this clueless all my life. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Magkaiba ang sinasabi ni Daddy at sa mga pinapakita ni Chance. Hindi ko rin naman matanong si Chance sa mga ganitong bagay dahil ayaw kong madaliin ang lahat. Natatakot akong baka nga kapag nalaman ko ang totoong siya, malaman kong tama nga ang mga magulang ko sa sinabi nila.

But I know I can't keep this. Sooner or later, kailangan kong maniwala kung sino ang papanigan ko. Daddy said Reed is my husband. Pero noong pinakiramdam ko ang sarili ko ay kumbinsido akong hindi ko siya kilala. A part of me screams that it is Chance. Si Chance ang lalaki na nasa panaginip ko noong mga panahong nasa coma pa ako. Siya iyong lalaking laging nasa mga maliit na alaala na mayroon ako.

And if he is really that guy, ibig sabihin, iniwan ako ni Chance noong mga panahong kailangan ko siya.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng kaniyang building. Pumasok na ako at tinahak ang daan papunta sa kanyang unit. Napasandal ako sa pader ng elevator at napahilamos na lang ng mukha.

Nasa ganong posisyon ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at hindi na tiningnan kung sino iyon.

"Nasaan ka?" nagpapanic na boses ni Chance ang sumalubong sa akin. Napatuwid ako ng tayo sa narinig mula sa kanya,

"Pauwi na." simple kong sagot. Nagpakawala siya ng malalim na hininga sa kabilang linya. Ilang sandali pa bago siya tuluyang nakalma.

"Wag ka na ulit aalis ng ganon Daphne. Don't just leave with a fucking note on my refrigerator, please." Basag ang boses niya ng sinabi iyon. Alam kong hindi man niya ako nakikita ay tumango pa rin ako. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon