Code Red

103K 2.2K 60
                                    

FIFTEEN

Napalingon ako sa biglaang nagsalita sa aking likuran. Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Daddy sa may pintuan, nakapamulsa at nakatingin kay Alhannah Montreal.

"Alhannah." He greeted. Inirapan lamang siya ni Alhannah Samaniego at hindi nagsalita. Naglakad si Daddy papunta kay Mommy at lumuhod sa harapan nito. Nag-iwas ng tingin si Mommy sa kanya at hindi na nagsalita pa.

Tumayo si Ma'am Alhannah at lumapit sa amin. "This needs to be fixed. Babalik si Daphne sa pamilya namin." May awtoridad niyang sabi. Napalingon ako sa kanya.

"Alhannah--"pagpigil ni Mommy pero hinawakan lamang ni Daddy ang kamay niya.

"She's a Samaniego now. Asawa siya ng anak ko. Your days as her parent is over." Aniya. Nilingon ko ang magulang ko na nananatiling tahimik. Tiningnan ako ni Ma'am Hannah bago niya kinuha ang kanyang purse.

"Talk to Chance kapag bumalik na siya from his assignment. Sa bahay muna kayong dalawa." Tumigil siya at tinignan ang mga magulang ko. "Away from people who can hurt my son." Pagtatapos niya bago kami tinalikuran at lumabas.

Walang nagsalita sa aming tatlo. Parepareho lamang kaming nakaupo at nagpapakiramdaman sa isa't isa. Tanging naririnig ko lamang ay ang paghikbi ng Mommy at ang mga buntong hininga ni Daddy.

"You took two years away from me. Dalawang taon na sana nakilala ng kambal si Chance. You took Chance's rights to become a father for the twins. Paano niyo nagawa yun?" naiiyak kong tanong. Walang nagsalita sa kanilang dalawa.

"Kung hindi ako bumalik sa Pilipinas, sasabihin ba ninyo ang totoo?"

Umiling si Daddy. Tiningnan niya ako ng diretsyo sa mata.

"What we did, we did that for you. Because we love you Daphne." Malamig ang boses niyang sabi. Natawa ako ng pagak at hindi siya tiningnan.

"Pinabalik kita sa Pilipinas para makita mong wala naman rito ang hinahanap mo Daphne. Na titigil ka na sa pagtatanong kapag nakuha mo na ang gusto mo. I never expected you will meet Christian again." Natawa si Mommy sa sinabi. "Damn destiny."

"We want you to have a normal life Daphne. Away from their family. Away from whatever hell they can do. Pinalitan namin ang apelyido namin. Nagpakalayo layo kami. But still, you met the guy and.."huminto si Daddy at napahilamos na lamang ng mukha.

"We just wanted you to be safe and away from harm Daphne. Anak kita. I know, what we did was wrong and we hurt you but that is the only way we know to keep you safe. Delikado ang mga Montreal Daphne. They're ruthless. They can hurt anyone they want. Ayaw naming mangyari sayo yun." Paliwanag niya. Wala akong sinabi. Kahit na anong marinig ko ay hindi ko na lamang sinasagot. I'm tired hearing these things. Na ginawa nila lahat ng ginawa nila para sa akin? What the hell is that? Nagsinungaling sila, sinaktan nila ako. Parents don't do that.

"Can you please go." Lumuluha kong sabi. Hindi na hinintay ni Daddy na sumagot pa si Mommy. Sabay silang tumayo. I heard the door click at pupunta na sana ako sa kwarto noong biglang may yumakap sa aking likuran.

"I love you baby." bulong ni Mommy sa akin. Hindi ko siya hinarap at tinago ang luha ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin bago tuluyan akong binitiwan.

Nang makaalis sila ay doon ko lang ibinuhos ang iyak na kanina ko pa pinipigilan. Dumiretsyo ako sa kwarto namin ni Chance at humiga sa kanyang kama. I cried and cried hanggang sa makatulog na ako. Noong magising ako ay madilim na. Nagpasya akong magluto para sa pagdating ni Chance. This will be along night, I know. I want to tell him everything. Gusto kong itanong sa kanya ang mga bagay na hindi ko pa rin maintindihan. I want to start anew.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon