ELEVEN
Naglakad lakad lang kami sa parke. Magkatabi kaming dalawa pero hindi niya ako hinahawakan. I looked up at him. Doon ko lang napansin na nakatingin lang din siya sa akin.
"Why?" tanong ko kanya. Namulsa lang siya bago tumingin ulit sa harapan namin.
"Bumaba na ba yung kinain natin? We'll go to Chloe's shop for the fitting." Pagkatapos ay tumalikod na siya at bumalik sa kotse niya. Humabol naman ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako doon.
"Fitting natin ngayon?"
"Yes. Ayos lang ba kung si Chloe ang gagawa ng gown mo?" tanong niya. I happily nodded but then I remembered something. My face fell upon realizing I am not bringing my camera.
"May problema?" nag-aalala niyang tanong. Mabilis akong umiling.
"Hindi ko dala yung camera ko. Sayang yung memories. Isang beses lang akong makakapag fit ng wedding gown." Ngumuso ako at napahalukipkip. Nakatitig lang si Chance sa akin.
"We could get married again if you want to. Wag ka ng magluksa diyan dahil di mo dala ang camera mo. Pwede naman kitang pakasalan kahit ilang beses mo pa gusto." Sabi niya. Pero hindi pa rin ako matahimik. Kinapa ko ang bulsa ko, mabuti na lamang at dala ko ang phone ko. Agad kong tinext si Diamond at pinakuha sa kanya ang camera ko.
"Saan mo gustong ikasal Daphne?" tanong niya sa akin biglaan. Napakurap ako and remembered that place.
"Sa Siargao." Walang gatol kong sagot. Biglang napapreno si Chance. Mabuti na lamang at nakaseatbelt ako.
"No. Think of another place Daphne. Kahit saan, wag lang doon."
Napatingin ako sa kanya ng mamutla siya ng sobra. Yumuko siya at sinandal niya ang ulo niya sa manibela. Bumilis rin ang hininga niya.
"Chance.." hinawakan ko ang braso niya pero hindi ito gumalaw.
"Wag sa Siargao Daphne. Ayoko ng bumalik doon." Matigas niyang sabi bago nagpaandar ulit ng sasakyan. Hindi na ako sumagot at nanatili na lang tahimik hanggang sa makarating kami sa shop ni Chloe. Nakangiti itong lumabas at sinalubong kami.
"Daphne!" excited niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit.
"Wow ha? Si Daphne ba yung kapatid mo baboy?" tukso ni Chance sa bunso nila. Ngumiti lang si Chloe bago tumalon para sapukin si Chance ng malakas.
"Ikaw. Bipolar kang lalaki ka." Turo niya sa Kuya niya bago ako hinila papasok. Napatingin naman ako kay Chance na napailing na lang sa inasta ni Chloe.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...