Order

90.9K 2.3K 179
                                    

ANIM

Pinagtaasan ko na ng kilay ang nakakainis na lalaking hanggang ngayon ay nakanganga pa rin sa akin. Umismid na ako at humakbang palapit sa kanya at tinitigan siya. Kitang kita ko ang pagkamutla sa mata niya na para bang nakakita ng multo.

 

"Tatayo ka na lang ba diyan hanggang mamaya? Kasi gusto ko ng magpahinga eh." Sabi ko sa kanya. Tumaas baba ang dibdib niya sa sobrang bilis ng paghinga niya. Napabuga ako ng hangin dahil sa inaasta nito. Pipi na ba ito? Parang kanina lang ay kung sino siya na makakatok sa pintuan ko. Ngayon namang nakapasok na siya ay hindi na siya kumikilos.

 

"Ano bang--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng bigla niya akong hinila para mayakap. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw.

 

"This can't be real. This is not real." Paulit ulit niyang sabi habang hinahaplos niya ang buhok ko. Bahagya kong inilayo ang katawan ko pero hinigpitan lang niya ang hawak sa akin.

"O-oy!" sabi ko sa kanya at tinulak na siya. Bahagya siyang napahakbang sa akin palayo. Tinitigan ko siya at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang namumula niyang mata. Ilang beses pa akong kumurap para masiguro na tama nga ang nakikita ko.

Umiiyak siya?

 

"Hanggang ngayon ba lasing ka?" hindi ko na napigilang tanungin.Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Ano ba ang problema niya?

Kumunot ang noo niya at tiningnan ako.

 

"Kuhanin mo na yung kukunin mo." Sabi ko sa kanya at bahagyang natakot sa seryoso niyang mukha. Bigla na lamang akong kinabahan sa pamilyar na talim sa kanyang mata.

"Ibang klase ka talaga." Inis niyang sabi. Napanguso ako sa tono ng boses niya. Sumandal ito sa pintuan ko at tinitigan ako.

"Ano?"

Tumaas lang ang sulok ng labi niya at pumunta sa kwarto ko. Sinundan ko siya. Lumapit siya sa bedside table ko at kinuha doon ang isang kwintas.

"Ano bang sinasabi mo?"

 

 

"Don't act as if you don't know what the fuck is happening." Suplado niyang sabi habang inilalagay sa kanyang leeg ang kwintas. Tumaas na ang temperature ko sa sobrang inis sa narinig sa kanya.

"Sa wala nga akong alam--"

 

"Just shut up! Ang lakas ng loob mong magpanggap na hindi mo ako kilala habang ako parang tanga na naghahanap sayo! Wala ka ba talagang pakialam sa akin?" nabasag ang boses niya noong sinabi niya iyon. Bumilog ang bibig ko para magsalita pero napatalon ako noong sinipa niya ang pader. Tinaas niya ang kwintas niya at nakita kong pares iyon ng mga wedding ring.

"I can't even let go of your memory. Noong umalis ka, ito na lang ang pinanghawakan ko. And now you're back, umaarte ka naman na parang hindi mo ako kilala!" akusa niya. Napasinghap ako noong marinig ko lahat ng kanyang sinabi.

 

"Hindi kita kilala." Bulong ko. Takot na baka baliw itong lalaking nasa harap ko at bigla na lamang niya akong saktan kapag nideny ko na 'kilala' daw niya ako.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon