ANIM
"Let's go." Anyaya niya sa akin. Tinitigan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa akin. Nilingon ko ang likuran ko at doon ko lamang nakitang iniwan na pala ako ng van.
"Daphne." Tawag niya ulit sa akin. Iniaabot niya sa akin ang isang helmet habang siya ay nakaupo na sa kanyang motor.
"uhm.." tinitigan ko siya. Nakakapagdalawang isip ang pagsama sa kanya. With his rugged looks and his terrifying vehicle, pakiramdam ko ay mamatay na ako kapag sumama ako sa kanya.
"Thrust me." nakangiti niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Agad akong pinamulahan ng mukha sa narinig. Ako lang ba, or may green notion talaga ang sinabi niya.
"Come again?" paninigurado ko sa sinabi niya. Lumaki ang ngisi niya sa sinabi ko.
"You want me to come Daphne?" he chuckled. Napaatras ako at ngangang tinitigan siya. Grabe itong lalaking ito. He's.. he.. oh my god!
Agad ko siyang tinalikuran pero nahabol niya ako. Inakbayan niya ako at pinilit na humarap sa kanya. Bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha at agad niya akong kinidatan.
"Hindi ka pa rin nagbabago." Seryoso niyang sabi. Ngumuso lang ako at tiningnan siya.
I really can't believe him. I mean, feeling ko tama sina Mama. This guy is the perfect shout out of irresponsibility. Sa klase pa lang ng paggalaw niya at pananalita, alam ko ng wala siyang gagawing masama. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan lalo na't ganito ang pagkilos niya.
"Why?" nagtataka niyang tanong habang nakatingin ako sa kanyang mukha. I stared at his face for a moment. His eyes are round, his nose is chiseled. The man screams perfection.
"Wag mo akong masyadong titigan Love. Kinikilig ako." Tukso niya. Inirapan ko lang siya at lumapit sa motor niya.
"Is this safe?" tanong ko habang sinusuot ang helmet niya. Sumandal siya sa motor at tumango.
"Of course. Anong akala mo sa akin, pababayaan ka?"
"Mayabang." Sabi ko na lang dahil naubusan ako ng salita. Ngumiti ito ulit. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko bago huminga ng malalim.
"I'm so happy." Bulong niya sa akin. Yumuko siya ng kaunti. The next thing I knew, lumapat ang labi niya sa noo ko.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hinaplos niya ang pisngi ko bago malungkot akong tiningnan.
"I want to hate you, you know. But I'm tired of doing that. Seeing you now, seeing that you are alive and well. Na wala ng nakaharang sa ating sakit, it eases the pain away Daphne. I am too happy now." Madamdamin niyang sabi. Wala akong isinagot. What should I say? Wala naman akong naiintindihan sa ipinupunto niya sa akin.
"Let's go." Sabi niya bago ako hinatak at inalalayan sa motor. Nauna akong umupo doon. Pumwesto na siya bago niya inayos ang helmet ko. Kinuha niya ang dalawa kong braso at ipinulupot iyon sa kanyang beywang.
"Hold on Love."
-----------------------------------------------
"What are we doing here?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya bago ako inakay sa dalawang swing sa gitna. Hindi ko mapigilang hindi mapanguso. He said we will have a date. Pero dinala niya ako sa isang children's park.
Umupo ako sa isang swing at tumabi siya roon. Dahan dahan niya iyong iniugoy at hindi nagsasalita. Ako naman ay nakikiramdam lang. Hinihintay na siya ang bumasag ng katahimikan.
"You said you don't remember anything." yun ang unang sinabi niya. Tiningnan ko siya bago huminga ng malalim.
"Right after the operation, noong magising ako. Wala na akong maalala. My parents said I was in coma for almost two months. The doctors agreed that it is a miracle na amnesia lang ang naging side effect ng ginawang treatment. But I can't consider my loss of memory as something that should be rejoiced." Tuloy tuloy kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...