LIMA
Nagising na lang ako sa sobrang lakas at paulit ulit na pagtunog ng aking telepono. Kaagad akong tumayo at doon ko lang naramdaman ang ibayong kirot sa aking sentido. Napapikit pa ako at kinapa ang gilid ko upang makuha ang cellphone ko.
Damn this hungover.
"Hello." Masungit kong sabi sa kabilang linya. Hindi pa man sumasagot ang tumawag sa akin ay kilala ko na ang boses ng dalawang taong nag-aaway.
"I told you he's just fine!"
"Kung ayaw mong makipagusap sa Kuya mo, ako na lang."
"Xavier naman eh!"
Huminga ako ng malalim at akma na sanang ibaba ang tawag ng tumili si Gravity. Nakarinig ako ng iilang kaluskos bago may kumausap na sa akin.
"Nasaan ka na? Babalik na tayong Manila." Si Xavier ang sumagot. Napapikit ako at naalalang tatlong araw lang pala ang ilalagi namin dito sa Palawan. Bumaba ako sa kama at kinusot ang mata ko bago luminga sa paligid.
Pink na pader. Pink na kobrekama. Pink na kurtina at pink na carpet. Pakiramdam ko ay lalong sumakit ang ulo ko sa puros pink na nakikita. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha bago himinga nang malalim.
"Nasaan ako?" tanong ko kay Xavier. Matagal itong hindi sumagot.
"Bobo ka ba Chance? Ako ngang nagtatanong, ibabalik mo naman sa akin." masungit nitong sabi. Tumayo ako at lumibot sa apartment. Bukod sa puro pink na mga gamit dito, wala na akong ibang nakita. Walang pictures o figurines. Isa lang ang sigurado ko, babae ang may-ari nito.
"Shut up Xavier. Gumalang ka. Matanda ako sayo."
"Yeah. Only for a year. Doesn't change a thing. Bobo ka pa rin." Malamig nitong sabi. Binuksan ko ang kusina para hanapin ang may-ari ng bahay pero wala pa ring tao.
"Damn you. Tatawag na lang ulit ako." Sabi ko. Narinig ko siyang nagsabi sabi sa kabilang linya bago walang pasabing ibinaba ang tawag. Pumasok muna ako sa banyo at naghilamos. Nang matapos ako ay pumunta muna ako sa sala upang hintayin ang taong kumupkop sa akin noong malasing ako.
----------------------------------------
Halos magkumahog ako sa pagkuha ng litrato nang mga turista dala na rin sa pagmamadali ko. Wala sana akong schedule ngayon, pero nagkasakit ang isang photographer ng agency at ako ang pumalit. Ayaw ko mang iwan ang lasinggerong antipatiko sa bahay ko, wala naman akong choice.
I peeked at my lens at kinuhanan ang mag-asawa na nagpose na sa may dagat. Akala ko ay kuntento na sila sa pagpapapicture sa may dagat noong hinatak naman ng babae ang asawa niya papunta sa isang kweba. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang. Hindi ko naman sila pwedeng tanggihan. Trabaho ko ito eh.
Halos tatlong oras na akong kumukuha ng litrato nilang dalawa. Noong tumaas ang araw ay doon lamang sila huminto. Hindi ko na hinintay ang van nang agency. Ako na ang humanap nang sarili kong masasakyan para makauwi na at mapuntahan ang lalaking iniwanan ko doon.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...