DALAWA
I pouted for the nth time infront of my parents. Tiningnan ko lang si Daddy na patuloy pa rin sa pagbabasa ng dyaryo. Si Mommy naman ay sinusuklayan ang buhok niya at walang pakialam sa mga hinaing ko.
"The doctor said I can travel."
"No." Dad said. Huminga ako ng malalim at lumapit dito. Yumakap ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.
"Ang layo ng Pilipinas, Daphne. Baka mastress ka lang. kakagaling mo pa lang." Mom added. Lumabi ako at kumandong kay Daddy habang inagaw ko naman ang suklay ni Mommy.
"Dalawang taon na ako dito. Gusto ko na ng outside world."
"You can have the whole Nevada as your outside world. Bakit dadayo ka pa sa Pilipinas. Wala naman tayong kakilala doon."
I slumped on him. Nagbeautiful eyes ako at tinitigan ang daddy ko.
"Just three months. Please?"
"Ang tigas ng ulo mo." Napapailing na sabi ni Dad. Tumawa lang ako at yumakap dito.
"Daddy.."
"You can't go. You're still under observation Daphne. Isa pa, pwede kang pagkaguluhan sa Pilipinas, being the first survivor of CE. Stay here. Okay?" pinal na sabi nito. Bumuntong hininga na lang ako at wala ng nagawa kung hindi ang lumayo na lang dito. Lumapit ako sa side table ko at kinuha ang SLR ko. Binuksan ko ang bintana ko at hinanap ang araw. Ng makita ko ito ay pumwesto na ako sa barandilya at nagsimula ng kumuha ng litrato.
Two years. Dalawang taon na akong nakakulong dito at kahit kailan hindi ko pa naramdaman kung paano maging malaya. Nabura ang alaala ko at wala na akong kahit na anong memorya ng nakaraan ko maliban dito sa ospital.
Alam kong may kulang sa akin, sa pagkatao ko. Gustong gusto kong makalabas para hanapin iyon. I want to find my missing piece. Hindi ko man alam iyon ngayon, sigurado pa rin ako na darating ang araw na malalaman ko kung ano iyon kapag nakaharap ko na. pero hindi ko mahahanap iyon kung patuloy ako sa pananatili dito sa ospital.
Tumunog ang phone ni Daddy at nagpaalam ito kay Mommy na lalabas sa saglit. Tumayo si Mommy at hinatid ito sa pintuan. Nilock niya ang kwarto bago niya kinuha ang bag niya at naglabas ng isang passport doon. Napanganga naman ako sa ginawa niya.
"Your Dad will kill me for this." Napapailing niyang sabi. Inabot niya sa akin ang passport at kinuha ang isang maleta sa ilalim ng kama ko.
"I'll send you to the Philippines, in one condition Daphne." Sabi nito. Agad ko ng kinuha ang passport at tinago iyon. Mahirap na. Baka magbago pa ang isip niya.
"Never tell anyone about your name Daphne. Wag na wag mong sasabihin kahit kanino ang pangalan mo, do you understand?" tanong nito. Ngumuso ako bago tumango.
"Yun lang ba? Sure." Sabi ko dito habang inilalagay ang passport sa bag ko. Tumango ito at hinila ako para mayakap.
"I want you to be happy anak." Bulong niya. I hugged her back.
"Thanks Ma."
Huminga ito ng malalim. Humiwalay siya sa akin bago ako tiningnan ng diretsyo. She touched my cheeks at tiningnan ako ng diretsyo.
"Daphne.."
Tiningnan ko siya. Inilagay niya ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko bago niya inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.
"Dito ka makinig. Hindi ito nagkakamali anak." She lovingly said. Tumaas naman ang kilay ko sa pagkalito sa sinabi niya. Ngumiti lang si Mommy at niyakap ako ulit.
"Pasensya ka na. ito lang ang nakayanan ni Mama."
I hugged her back. tumawa ako ng kaunti bago humiwalay sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
Lãng mạnMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...