11
Luminga ako sa buong unit. "Chance!" tawag ko. Sumagot siya mula sa terrace kaya nilapitan ko siya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at pinulupot iyon sa beywang ko.
"Morning." Nakangiti niyang sabi habang ang isang kamay ay nagsespray sa mga halaman niya roon. Ngumiti lamang ako at tiningnan ang kanyang ginagawa. Nang mainip ako sa kakatitig sa mga halaman ay lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha. Pinagaralan ko ang mukha niya at naghanap ng pagkakahawig ng kambal sa kanya.
Hindi ko napigilan ang ngiti ng makitang pareho ang kambal sa kaniyang labi at mata. Maging ang kulay ng buhok nila ay katulad ng kay Chance.
"Why?" nakangiti niyang sabi. Umiling lamang ako at yumakap rito.
Nanatili lang kaming tahimik habang patuloy siya sa ginagawa. Maya maya ay inaya na niya akong magalmusal. Habang kumakain ay naalala ko ang kwento niyang hindi na niya naituloy.
"Chance?"
"Hmmn?" malambing nitong sabi habang patuloy sa pagkain ng niluto kong almusal. Tinitigan ko siya bago siya nginitian.
"Don't smile Daph. You're making me fall damn harder." Masungit niyang sabi. Agad napawi ang ngiti ko pero bumalik rin iyon.
"Hindi mo na tinuloy yung kwento mo." Nakangusuo kong sabi. Tiningnan lang niya ako ulit bago natawa na lamang.
"What happened to the girl?" patuloy kong pagtatanong. Binaba ni Chance ang kutsara niya bago nangalumbaba at napangiti na lang.
"Well, the guy actually succeeded. Dahil sa dakila siyang makulit, napapayag rin niya yung babae na sumubok makipag-date dito. They spent time together, memorizing each other, until hindi na lang nila namalayan, nahulog na pala sila. Sobrang hulog Daphne." Nangingiti nitong sabi. Tumango na lamang ako dahil kahit hindi ko naranasan iyon, may isang parte ko na naiintindihan ang sinasabi niya.
"Akala nilang dalawa perpekto na ang lahat. That forever is already within their grasp. But then, the girl actually needs to leave. Hindi dahil sa gusto niya, pero dahil inisip niya na yun ang mas makabubuti sa kanilang dalawa." Malungkot niyang sabi bago napailing na lang.
"And then?"
Pinaglaruan lang ni Chance ang tasa ng kape niya habang malalim ang iniisip. Ako naman ay matyaga lang na naghihintay. Baka kasi nagiisip pa siya ng pwedeng idugtong sa love story na gawa gawa lamang niya.
"The guy hated her. So much. Kasi pakiramdam ng lalaki, nalumpo siya noong nawala yung babae. Kasi mahal talaga siya nito, kaya nung bumalik yung babae, hindi na naniwala ang lalaki sa babae. When the girl swore for always, the guy did not believe him. She promised for forever pero hindi niya tinupad, paano pa ang always niya?" naghahamong tanong nito sa akin. Napatango na lamang ako at nag-isip na rin.
"Forever is better." Sagot ko. Tumaas lang ang sulok ng labi niya bago umiling.
"May isang bagay akong natutunan sa kwento nilang dalawa Daphne."
Tiningnan ko siya at hinintay ang kanyang sagot.
"Always and forever. Mas maniwala ka sa always Daphne, wag sa forever." Aniya. Ngumuso lamang ako at hindi nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Chance, forever is endless--"
"No. Forever does end Daphne. Lahat ng klase ng oras may katapusan. What makes forever different? Nagiiba lang ang forever kapag sinamahan mo ng always. Because 'always' holds the promise of being with each other until the end Daphne. With that word, the whole definition of 'forever' changes." Mahinahon niyang paliwanag. Hindi ko mapigilang hindi mapapatitig sa kanya at mamangha na lang sa bawat sasabihin niya. Bawat salita ay alam kong umuukit sa pagkatao ko at kumukuha na ng sarili nitong pwesto. Gumagawa na si Chance ng puwang sa akinna hindi madaling mabubura ng kahit na ano.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015
RomanceMagkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siya sa buhay ni Chance ay pagbabayaran na niya ang nagawang kasalanan. And she is willing to endure, j...