Chapter 24: WHAT THE ——
Kagigising lang niya at unang hinanap si Yke…..
Nakita naman n’ya ito sa kusina kausap si Nica. Seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito kaya hindi muna siya lumapit at nagpakita pero naintriga siya sa pinag-uusapan ng mga ito.
Nagdalawang isip siya kung makikinig o aalis…..
In the end, labag man sa nature niya ang mag-eavesdrop, tumuloy pa rin siya…
And her reaction…..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“What the ——” – sabay takip ng bibig. Nabigla siya sa narinig.
Oh no! Mali ako… Hindi pwede ito…..
Hindi na sana siya nag-eavesdrop… hindi na sana…..
Sana hindi na lang niya nalaman, hindi na sana siya naguluhan. May dahilan pala ang mga napapansin niyang pagbabago kay Yke. Hindi lang pala nakikita niya si Darrell dito kundi ito mismo. May rason ito at hindi mababaw na dahilan…..
Yeah….. What the —— ….. Bakit, Yke?!
Umalis na lang sana siya kanina at hindi na nakinig.
May tendency nga siyang lumayo kapag nalaman niya. iyon nga ang gusto niya sa mga oras pa lang na iyon. Gusto niyang magtago. Akala niya malinaw na kay Yke ang gusto niya, hindi pala…..
Nagkamali ka Yke. Masasaktan ka lang dahil d’yan sa nararamdaman mo at dahil sa’kin. hindi lang ako takot kundi baka nga wala na akong kakayahan. Sana inisip mo muna ang sarili mo bago mo hinayaang matangay ka sa nararamdaman mo.
Natulos na ‘ata siya sa kinatatayuan dahil hindi na niya maihakbang ang mga paa pero hindi na siya dapat magtagal pa roon. Tulala siya nang maglakad at hindi na pinansin ang Yaya niya na kanina pa rin siya pinapanood.
_____________________________________________________________________________
“Maysakit ba si Thracey, hijo, Nica? Tulala nang makasalubong ko at parang tutumba pa.”
“Wala naman po, ‘Nay. Saan po ba siya papunta?”
“Mukhang galing siya rito at pabalik naman sa kwarto. Ano bang nangyari sa batang iyon? Puntahan mo ng, Yke, at baka may dinaramdam. Hindi pa naman iyon marunong dumaing.”
“Ga-galing po siya rito?” – Pigil-hiningang tanong niya. Masama ang kutob niya. Hindi kaya narinig nito ang pag-uusap nila ni Nica?
Napatingin rin sa kanya si Nica, at halatang kabado ito.
“Oo. Hindi ba kayo nagkita rito?”

BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...