Chapter 27: THERE, I SAID IT!!!

21 0 0
                                    

ayun, oh! tapos ko na po sa wakas...

__________________________

Chapter 27: THERE, I SAID IT!!!

            Now, I’m happy. Siguro ang tanga ko lang talaga kasi napahirapan ko pa ang sarili ko sa pag-iisip at nahirapan pa si Yke     . Pero ngayon, may sigurado na akong sagot sa kanya. Wala na rin akong gagawing pagtatago pa dahil handa na akong harapin anuman ang darating. Salamat sa taong nagpa-realize sa akin na hindi katapusan ng mundo ko nang mamatay si Darrel. Salamat dahil ipinakita niya sa akin kung ano ang mangyayari sa akin oras na pinalampas ko pa ito. Salamat…

            Yes! I’m on the way back home. Ang tahanan kung saan ako dapat nag-i-stay. Tapos na ang hide and seek. Tapos na ang patuloy kong pagpapahirap sa pamilya ko… kay Yaya, kay Nica at kay……. YKE. Nakita ko na ang sagot sa lahat ng katanungan ko sa buhay. Tapos na ang bahaging iyon ng aking buhay. Tapos na….

            At ang katapusang iyon….. ang simula ng bagong kabanata….

            No’ng una, hindi ko matanggap sa sarili ko na heto na naman ako….. TALO! Nakakainis kasi ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapatalo sa puso ko. Pero wala pa rin…. Puso pa rin ang nanaig. Nadiktahan na naman ang buong pagkatao ko.

            At ayaw ko mang tanggapin, hindi ko na rin kayang pigilan. Dahil kahit anong gawin ko, hindi na siya babalik…. At kahit anong gawin ko, AKO NA ANG NAKAISIP NA BUMALIK.

            Hindi ko pa rin naman makakalimutan ang taong nagmahal sa akin ng tapat, pero sa ngayon, pakikinggan ko ang idinidikta na puso ko. Aalisin ko nang lahat ang takot na pumipigil sa akin para maging masaya. Noon kasi akala ko wala ng pag-asa…. Pero dumating siya! Kaya nasabi ko.. “Finally, I found the one!”

            Siguro naman hindi pa huli ang lahat. Sana…

            Sana, naroon pa rin siya at naghihintay…

            Sana, naroon pa rin siya at nagmamahal…

            Sana, naroon pa rin siya at hindi napapagod…

            Sana , hindi niya ako pagsawaan…

            Sana, hindi niya ako iwan…

            Sana, handa niya akong samahan habangbuhay…

            Sana, naroon siya kapag sinabi ko kung gaano ko na siya kamahal……….

            Oo, mahal ko na siya…. mahal na mahal…

            Oo, mahal ko na si Yke Rhodnee…..

            There! I said it…

(FLASHBACK…)

            “Mahirap bumangon uli kung inilugmok ang sarili mo sa kalungkutan. Hindi iyan ang gusto ni Darrel, ng anak ko,” si Tita Dy.

            Sa libingan ni Darrel ako unang nagpunta nang umalis ako sa Batangas. Dito ko rin naabutan ng Mama niya.

            “Tita, natatakot na po kasi akong sumubok ulit dahil baka iwan na naman ako. Ayoko na pong maranasan na iwan uli ng mga taong nagsasabing mahal nila ako.”

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon