Chapter 25: ADMIT IT.....

10 0 0
                                    

a/n:

sabi ko sa inyo matagal ulit bago ako makapag-upload, eh... busy, eh... pero ngayon, ayan na...

5 chapters to go.... sana patuloy nyo pa ring suportahan.... salamat...

______________________

Chapter 25: ADMIT IT…..

            “If you want to ask me why, I’m willing to answer, Thracey?”

            “Pain was still there, Yke, but longing is greater than pain. Tanggap ko naman na wala na si Darrell kaya hindi na ako masyadong nasasaktan pero iyong pangungulila sa kanya, narito pa. nangungulila ako sa lahat ng ginawa niya para sa akin at kung paano niya ako Pinahalagahan at minahal.”

            “Bakit mo sinasabi sa akin iyan? Hindi ba, dapat ang pag-usapan natin ay ang mga narinig mo?”

            Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Patuloy lang ito sa mga sinasabi.

“If you ask me kung mahal ko pa rin si Darrell, yes, naging parte na siya ng buhay ko, pero iyong iba….. hindi na. Kung magmamahal ako ulit, iyon ang hindi ko kayang sagutin. Bukod sa takot, I assure you, I am not capable of loving someone again. Iyon ang totoo. Bakit ganito ang ugali ko, being cold and formal? I told you the reasons but aside from that, I want to protect my heart and to scare away those people who wanted to intrude my individuality. Dahil sa ugali ko na iyon, mao-offend sila at lalayo na sa akin and that’s good for me.” – Saglit siyang huminto sa pagsasalita at saka bumuntong-hininga. Katahimikan ang pumagitan sa kanila.

            “Sinasabi ko ito sa iyo para hindi mo isiping marami akong itinatago sa’yo. Ayaw kitang saktan, Yke, kaya ilang beses kong sinabi na makuntento ka na lang sa kaya kong ibigay pero bakit gusto mo pang lumagpas?”

            “Dahil gusto pa kitang alagaan nang higit pa sa kaibigan, gusto kong alisin ang lahat ng masasakit na alaala sa’yo, gusto kong punan ang lahat ng Pagkukulang ng iba sa’yo at dahil gusto ko ring maging bahagi ng buhay mo na hindi lang basta kaibigan kundi isang pinakamahalagang lalaki sa buhay mo na maaari mong makasama hanggang sa pagtanda mo.”

            “Pero, Yke, I could be your friend forever. hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo. tell me, do you mean everything you said to Nica? Admit it…..”

            “I mean everything I said. I love you so much more than a friend. Sa’yo ko lang naramdaman ito.”

            “Oh, Yke! Hindi dapat! You don’t deserve someone like me. Maraming iba d’yan. Iyon na lang.”

            “Thracey….. ikaw lang ang mahal ko, ang gusto ko. Buksan mo naman iyang puso mo para sa akin. Huwag mo naman akong ipagtabuyan. Ang sakit….”

            “Yke, please…..” – Umiiyak na siya. Umupo sa tabi niya si Yke at yayakapin sana siya to comfort her but…… “No, ‘wag mo akong hawakan…”

            Nasaktan si Yke dahil sa inaktong iyon ng babae. Wala pa man, inilalayo na nito ang sarili nito sa kanya.

            Hindi naman krimen ang mahalin ka, Thracey, bakit ayaw mo? Hindi naman kita sasaktan. Allow me to be your protector.

            How he loves this girl so much that he is willing to do everything to be with her….. to make her happy.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            “Bakit ganyan ka, Thracey? Abot-kamay lang kita pero hindi ko masabi ang hangarin ko sa’yo. Mahal kita pero hindi ko maiparamdam dahil baka lumayo ka. Malakas ang loob ko pero sa’yo, natatakot akong saktan mo. Ipinaparamdam ko naman pero manhid ka. Ang lapit mo lang pero hindi naman kita maabot. Kailan mo kaya ako papansinin? Kalian mo kaya ako mamahalin? Susuko na lang ba ako o patuloy akong lalaban at aasa para sa pag-ibig mo? Sana katiting na pagtingin, ibigay mo naman sa akin.”

            Hindi niya napigilang sabihin dito.

            “Mahirap paniwalaan kung wala akong katibayan. Nakuha mo ang tiwala ko pero ‘wag mong hingin ang buong ako. Maraming beses na akong sumugal pero sa huli, lagging ako ang talo. Kung ano lang ang kaya kong ibigay, iyon lang ang tanggapin mo. Kaibigan na kita, ‘wag mo nang hangarin na lumagpas pa. Oo, mahal mo ako pero hindi sapat iyon para tanggapin kita sa buhay ko. Hindi ako manhid, natatakot lang ako. Huwag kang umasa sa ibibigay ko dahil hindi ako umasa ng kahit ano sa’yo. Ngayon, magpapatuloy ka pa ba o gagaya ka na lang din sa iba? Mag-isip ka dahil ako…..tapos na!”

            Masakit para kay Yke ang narinig.

            “Iyong ginagawa kong pag-aasikaso sa’yo, hindi pa ba katibayan iyon? Ano pang kailangan kong gawin para matanggap mo ako sa buhay mo? sabihin mo lang para magawa ko.”

            “Yke…… please….. ‘wag na lang ako. Masasaktan lang kita at hindi ko kakayanin iyon. Mahalaga ka sa akin pero hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo.”

            “Tell me honestly, Thracey, do you really trust me? Admit it….. Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?”

            “Yke, I do trust you. I don’t need to convince myself that I trust you because I do….”

            “If you really trust me, then be with me. Let me be part of your life. Let me love you the way I do now. If marriage is your ——”

            “NO!!! I don’t want to marry anyone…. Including you……… I don’t want to hurt you, Yke. Mas masakit sa’kin ang makitang kang nasasaktan dahil sa pagmamahal na sinasabi mo sa akin. I love you, Yke…. As…… as a friend…….”

            Tumayo ito at lumayo sa kanya.

            Naiwan naman siya. And yes…. He is crying too.

            Anong gagawin ko? Thracey, ikaw lang ang mahal ko, hindi na ako magmamahal pa ng iba. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa dulo ng mundo. Ikaw lang at wala ng iba. Hindi ko ibabaling ang pagmamahal ko sa iba kahit ipagtabuyan mo pa ako. Kung ibabaling ko sa iba, Niloloko ko lang ang sarili ko.

____________________

thank you...

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon