ayan na po... sorry sa matagal na update,...hehehe.... busy eh...
___________________________________________
Chapter 19: TRUSTED UPON…..
Yke:
Naging sunod-sunod ang pagdalaw ni Yke sa bahay ni Thracey kahit pa tapos na ang hininging bakasyon ng huli. Tuwing off niya, nagpupunta siya sa bahay nito. Halos gabi-gabi na iyon. Doon na rin s’ya nagdi-dinner. Hindi naman siya napapagod. Syempre, mahal niya ang pinupuntahan! Asus! That’s the truth!
Dinadalhan pa niya ng flowers si Thracey. Kaya lang ang sabi sa kanya….. hindi na kailangan kasi hindi naman siya nanliligaw. He insisted telling her that it was for their friendship….. Naku! Kung alam lang nito. Naman?! Iyon nga lang hindi pwedeng sabihin ang nararamdaman niya….. baka kasi pati friendship nila….. MAWALA. Ipinaparating na lang niya through some not obvious ways.
Ang masakit pa….. hindi pa ito nag-o-open up sa kanya. Sabagay, darating din naman ang time na sasabihin nito ang lahat sa kanya. Wait lang… ‘ika nga! Ang treasured moments na lang niya ay iyong napapangiti niya ito kahit hindi umabot sa mata. Hindi rin maiwasan ang pagiging cold and formal nito paminsan-minsan. Iyon na lang ang tanging problema niya — ang alisin ang ganoong ugali nito. Hindi lang niya alam kung paano. Ang mahirap pa….. umiiwas ito kapag ganoon ang usapan. Puzzled tuloy siya lagi. Minsang kinulit niya, nag-away lang sila kaya hindi na niya Inulit. Matagal pa namang magpatawad.
Ikinakasama ng loob niya — hindi pa rin buo ang tiwala nito sa kanya. Kasi nga hindi nito masabi ang talagang problema nito. Minsan nakikita niya itong halos iiyak na, tapos ‘pag tinanong naman niya, WALA ang isasagot. Hindi niya tuloy matulungan. Ito iyong tipong ang lapit na, pero hindi mo mahawakan. Malapit pero hindi mo maabot. Magulo, eh! Nakakakulta ng utak!!!
Mahal na mahal kita kaya nasasaktan ako ‘pag hindi mo nakikita na narito lang naman ako sa tabi mo at handa kang damayan. Sana lang ibahagi mo ang ilang piraso ng pagkatao mo. kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Mas masakit kasi gusto kitang tulungan pero wala akong magawa para sa’yo…
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Thracey:
Maayos ang trabaho niya — kahit sa office ang duty niya. Pahinga muna sa pagtanggap ng work sa labas ng base. Iyon nga lang, walang thrill ang buhay. Pasok ng 8am, labas ng 5pm! Errr….. parang office girl lang talaga! Naman! May paper works din naman kasi ang mga sundalo, hindi naman laging baril ang hawak nila. marunong pa rin silang humawak ng ballpen at lapis. Hahaha!!! Hmmm….. hindi s’ya nag-i-stay sa barracks — mas maganda pa rin sa sariling bahay kaya umuuwi s’ya. Well, at least sa bahay niya….. may privacy, nakakapag-entertain pa siya ng bisita. At syempre….. si Yke ang regular visitor niya.
Si Yke — mabait naman ito. At sa 2 months nilang pagkakaibigan, wala pa naman siyang maipipintas….. iyong pagiging makulit lang. Yes, nakatagal s’ya ng 2 months dito. Doon na ito nagdi-dinner sa bahay niya. Okay lang naman. Eh. At least hindi na siya mag-isang kumakain. At ito pa lang ang pangalawang lalaking pinayagan niya ang gano’ng setup bukod kay Darrell. Malaya itong nakakakilos sa bahay niya. Sanay na nga siya. Wala s’yang mahanap na masamang motibo na sasaktan siya nito. He’s a kind of a person that she could TRUSTED UPON. Yes! She’s slowly giving her trust to him. May plan na nga siyang mag-open up dito. Nakakatawa! Ibibigay na naman niya ng tiwala niya at walang kasiguraduhan kung ano ang kahahantungan. Susugal na naman siya.
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...