Chapter 23: QUESTION AND ANSWER!!!

24 0 0
                                    

Chapter 23: QUESTION AND ANSWER!!!

            “Buti nakarating ka ng maayos, halika, pasok ka na. kanina ka pa hinihintay ni Yaya at Nica. They are excited to meet you.”

            “Malayo rin pala ito, napagod ako, ah.”

            Hinawakan na ni Thracey ang kamay ni Yke. Excited din siyang ipakilala ito sa mga kasama niya sa bahay. Ngayon lang ulit magkakaroon ng bisita na kaibigan niya.

At si Yke, tuwang-tuwa dahil hayun na naman si Thracey, makikita na niya ulit. Pinisil niya ang kamay nito at ipinarating kung ga’no siya kasaya.

“Hijo, ikaw ba si Yke?”

            “Opo, at kayo naman po ang Yaya ni Thracey. Magandang hapon po.” — Saka kinuha ang kamay nito at nagmano. “Madalas po kayong Ikwento ni Thracey. Nasa’n na po ang inyong anak?”

            “Si Nica? Nasa kusina, inihahanda ang meryenda. Halina kayo at pagsaluhan natin ang pagkain.”

            “Come, Yke, para matikman mo ang specialty ni Yaya.” — Excited namang sabi ni Thracey. Hinila pa niya ang kamay ni Yke pero pinigil naman nito. Bigla itong lumapit at niyakap siya.

            “Hay salamat. Nayakap na ulit kita. Na-miss kita, eh. Hmmm….. halika na, baka magtaka na sila.”

            “Weird mo, Yke.”

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

                        “Doktor ka raw, Kuya?” — Kuya na ang tawag ni Nica kay Yke na ikinatuwa naman ng huli. Feeling niya, kapamilya na rin ang turing sa kanya. Cool!

            “Yup. General surgeon ako sa St. Luke’s. Doon ka unang nakita itong si Thracey.” — Not aware na kanina pa siya inoobserbahan ni Nica at ng ina nito. Pa’no ba naman, sa halip na siya ang pagsilbihan, si Thracey ang inaasikaso niya. Nasanay na siya kaya hindi na rin mapigilan.

            “Paanong do’n mo nakita si Ate?”

            “Naaalala mo pa si Luis, Nica? Ako ang nagdala sa kanya sa ospital at saktong si Yke ang attending physician that time.” – Si Thracey.

            “Ang totoo niyan, Nica, bukod do’n, nakita ko na siya matagal na. natatandaan mo no’ng may nag-abot sa’yo ng panyo noong umiiyak ka? Ako iyon, Thracey! So, iyon ang sitwasyon sa pagkikita namin.” — Saka niya Tinitigan si Thracey na noon ay lumungkot na naman ang itsura.

            “Paano kayo naging close?”

            “Ahm, kinulit ko s’ya hanggang sa bumigay ang depensa. Haha! Alam mo naman ito, may pagka-tigresa. Hindi ako nagpadala sa takot kaya lumambot din ang puso sa’kin at naging magkaibigan kami.”

            “At mukhang nagsisisi na ako sa pagtanggap sa’yo….. ang daldal mo, eh.”

            “Tinatanong namin siya, anak, eh. Syempre kailangan niyang sumagot.”

            “Eh, kasi naman Yaya, kung mag-usap kayo parang wala ako sa harap n’yo.”

            “Aysus! Batang ito! sabik lang kaming makausap itong kaibigan mo. Hala, sige, mamaya na nga ulit ituloy ang kwentuhan, magpahinga ka na, hijo. Samahan mo na siya, anak sa magiging kwarto niya.”

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon