madaliin na natin ang kwento nito... hahaha.... support nyo lang po, ah... thanks a lot.....
_____________________________________________________________________________
Chapter 9: ON THE WAY…..
Papunta na sa lugar ng Medical Mission si Yke. Maraming sila dala na gamot para maipamigay sa mga residente roon. Nagkukwentuhan sila ng kung anu-ano habang nasa sasakyan. Kahit doktor at nurse ang mga kasama, hindi mapigilang love life ang pag-usapan.
Nakakatawa dahil tanging s’ya na lang pala ang SINGLE. May asawa, engaged, at taken na ang lahat ng kasama.
“Si Doc Yke ang pagtakhan n’yo kung bakit single pa rin hanggang ngayon.”
“Pihikan siguro ‘yan.”
“Ako na naman ang nakita n’yo. Tigilan n’yo ang love life ko, ah.”
“Hay naku, Doc. Wala ba talagang nagpatibok d’yan sa puso mo?”
“Ang balita ko, Doc Mel….. may nagustuhan naman daw si Doc Yke kaya lang ——”
“Shut up! ‘Wag mong ibuking lahat!”
Nagkatawanan ang mga ito sa reaction n’ya. Halata naman na may secret s’ya sa love life niya, eh. Patuloy ang tawanan ng mga ito at hindi naman maipinta ang mukha niya.
“Okay, tigilan na natin ang usapang ito. Baka makasira pa tayo sa diskarte ni Doc Yke.”
Hay salamat! Nakaunawa rin sa wakas.
Mahaba ang itinakbo ng biyahe nila. Naidlip ang mga kasama pagkatapos ng kwentuhan. Siya naman, naidlip na rin kanina. Mayroon siyang pinagkakaabalahan kaya hindi na siya inaantok pa.
Hindi naman ako nagmamadali sa buhay kung bakit gusto nila akong pakialaman. Darating din naman iyong akin, ah.
Mukha ngang dumating na, eh. Hindi mo lang alam kung pa’no i-approach dahil ilang beses ka na ring ipinahiya.
May rason naman kung bakit s’ya ganoon. Iyon ang aalamin ko.
Naalala tuloy niya ang naging pag-uusap nila ni Luis. Hindi niya napigil na magtanong kaya siya nabuking nito…..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Flashback)
“Uhurm….. kumusta na nga pala si Thracey?”
“Hindi ko s’ya nakita ulit. Balita ko may misyon s’yang sinamahan ngayon. Sa Leyte ‘ata ‘yon. Pinapatay niya ang cellphone ‘pag tumatawag ako.”
“Gano’n ba? Galit pa rin sa’yo.”
“Oo, eh. Bakit mo nga pala naitanong?”
“W-wala, wala.”
“Tinamaan ka ba sa kanya?”
“Ha?!” — Nagulat talaga siya sa tanong na iyon.
“Nagulat ka pa, halata naman sa’yo, eh. Binabalaan kita mahirap ang papasukin mo. At, oras na masaktan siya, hindi lang ako ang makakalaban mo. Kahit gano’n ang ugali niya, marami siyang kakampi oras na may manakit sa kanya. Isa ako do’n, Yke.”
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Genç Kurgumasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...