Chapter 21: AT LAST!!!
“Over here, Thracey! Over here!”
Sinabayan pa niya na kaway ang pagtawag. Tuwang-tuwa pa siya kasi bumalik na ito sa bansang Pilipinas. Siya lang ang sumunod dito kasi siya ang pinagsabihan. Surprise daw ang pagdalaw nito sa Batangas na sasamahan pa niya.
“Thracey!”
“Yke!”
“Thracey! At last, narito ka na. god, I miss you so much!” — Sabay buhat at yakap na ikinabigla ni Thracey. Pinanggigilan pa niya.
“Hey, ano ba? Bitiwan mo ako. Hindi na ako makahinga.”
“Hmmm….. Grabe! Ang ganda mo pa rin kaya mahal na mahal kita, eh. Halika na sa kotse.”
“A-ano iyong sinabi mo?”
“Alin do’n? iyong mahal na mahal kita?”
“O-Oo…..”
“Aba’y syempre. Matagal na matagal na.”
“Ah, okay. Mahal mo ako as your FEMALE FRIEND.” — Ipinagdiinan pa ang FEMALE FRIEND. Ano ba iyan?
“Ah-Ahm….. tama! Friends tayo, di ba? Halika na, ipinagluto na kita sa bahay mo. I’m sure, mabubusog ka ng todo.”
Naku naman, ipinangalandakan ko na ngang mahal ko siya tapos ipinagpilitan naman na as FRIEND lang kami. Ano ba namang life ito? Bakit ayaw niyang tanggapin? Mahal kita, Thracey….. malaman mo sana. Ipinapahalata ko na nga, hindi mo man lang pansinin. Todo effort na nga ako, eh.
“Sakay na ng kotse, Mahaba-haba pa ang biyahe kaya umidlip ka muna d’yan. Ibaba mo ng konti ang upuan para maging komportable ka. Saka ka na magkwento, magpahinga ka muna, okay?”
“Yes, doctor. Para akong reyna na pinagsisilbihan, ah.”
“Dapat lang. Ang tagal mong nawala, eh. Payakap nga ulit. Na-miss talaga kita.”
“Chancing na iyan, ah.”
Pero hindi nakinig si Yke. Mahigpit niya ulit niyakap. Gusto niyang umiyak sa saya dahil sa wakas masisilayan niya lagi si Thracey. Hindi lang yakap ang ginawa niya, hinalikan pa niya ito sa pisngi.
“Hmmm….. Grabe, na-miss talaga kita.”
“Nakakahalata na talaga ako, Yke. Iba ang kilos mo ngayon.”
“Ako pa rin ito.”
“Hmp… Mag-drive ka na nga lang.”
“Yes, Your Majesty…..”
_____________________________________________________________________________
Gutom na gutom na sila pagdating sa bahay kaya inihanda agad ni Yke ang mesa. Siya ang in-charge sa kusina ngayong araw na ito. Pinagsilbihan pa niya si Thracey ng sobra-sobra.
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...